Walis, Bibliya hawak ni Revilla | Bandera

Walis, Bibliya hawak ni Revilla

- June 23, 2014 - 04:12 PM


BINISITA kahapon si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ng kanyang amang si Sen. Ramon Revilla, Sr. sa kanyang unang Linggo sa kulungan. Sinamahan si Revilla ng isa pang anak na si Bacoor City Mayor Strike Revilla na naka-wheelchair na dumalaw sa senador.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Public Information Office chief, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac na inumpisahan naman ni Revilla ang araw sa pamamagitan ng Bible study kasama ang kanyang pamilya at malalapit na mga kaibigan bago sila nananghalian.

Nagdala ang asawa ni Revilla na si Rep. Lani Mercado ng dalawang kahon ng cake at iba pang mga pagkain, samantalang ang kaibigan namang si  Jimmy Santos ang unang bumisita sa senador.

Ayon sa anak ni Revilla na si  Bryan, kasama sa kanilang kinain ang inihaw na liempo, inihaw na isda, sinampalukang manok at  leche flan. Sinabi pa ni Sindac na maayos naman ang kondisyon ni Revilla, bagamat idinadaing niya ang kanyang migraine dahil sa init sa kanyang selda.

Aniya, natulog si Revilla alas-10:30 ng gabi noong Sabado at nagkaroon siya ng migraine alas-4 ng umaga. Tiningnan naman si Revilla ng mga doktor at mga nurse ng PNP Health Service at binigyan ng gamot.

Ayon pa kay Sindac, kailangan pa ng kautusan sa korte para payagan ang  air cooler at mga halaman sa loob ng kulungan ni Revilla. “It still has to undergo court proceedings,” dagdag ni Sindac.

Sinabi naman ni Bryan na nakapage-ehersisyo naman ang kanyang ama kahit maliit ang kanyang kuwarto. “What he does is sweep the floor and water the ground to lessen the heat,” kuwento ng batang Revilla.

Tiniyak naman ni Sindac na sosolusyunan nila ang mga daga at ipis sa kulungan ni Revilla. “We will try to do some pesticide work,” aniya. Ayon kay Bryan, kasinglaki na ng mga kuting ang mga daga, bagamat nahuli na ang ilan sa mga ito.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending