Kris mas gustong maging National Artist si Dolphy kesa kay Ate Guy | Bandera

Kris mas gustong maging National Artist si Dolphy kesa kay Ate Guy

Jobert Sucaldito - June 22, 2014 - 03:00 AM

Marami ang nalungkot sa di pagkakasali sa final list ng pinagpilian ng Malakanyang para maging National Artist ang mahal nating Superstar na si Nora Aunor.

Balitang hindi raw feel ni P-Noy ang magiting nating Superstar kaya laglag ito sa listahan ng kaniyang pinagpilian. That’s truly sad dahil meron tayong isang pangulong ang tanging kilalang artista lang yata ay ang kaniyang kapatid na si Kris Aquino.

Ha-hahaha! Napakatagal nang panahong nag-float na pipirmahan na ni P-Noy ang nominasyon ni Mama Guy to become National Artist pero waley naman pala.

Mas pinaboran daw ng pangulo ang ni-lobby ni Kris na si Tito Dolphy dahil sanggang-dikit nga naman nito si  Zsa Zsa Padilla na former partner ng Comedy King.

We have nothing against Tito Dolphy dahil he also truly deserves the honors dahil siya ang tunay na King of Comedy sa bansang ito. But itong pagkatsugi ni Mama Guy sa final list ang siyang ipinagtaka lang namin – dumaan ito sa tamang proseso at legal ha, ayaw talaga ni P-Noy yata ng legal process.

Kakaloka, di ba? Kahit sa politics, karakter talaga – ibang klase siya!!! “Ang nakakatawa ay kahit ano palang nominasyon ang gawin ng NCCA para magawaran ang ating idolong Superstar ng National Artist award, imposible pala talaga itong maganap dahil ayaw sa kaniya ng presidente na siyang may last say.

Imagine, pirma na lang niya ang kulang nabokya pa. Kaloka! Busy raw kasi siya that time sa X-Box at computer games kaya dinedma niya. Ngayong nasa signing mood siya, deadma raw talaga si Nora.

Ha-hahaha! That’s truly funny! That’s your president, not mine,” anang isang avid Noranian. Natawa naman ako sa tinuran niyang iyon, lalo na doon sa sinabi niyang busy raw ang pangulo ninyo sa X-Box at computer games.

Are you serious? Pangulo natin, addict sa naglalaro ng computer games? Ako kasi hanggang Candy Crush lang at poker sa FB. FYI lang po.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending