INUNAHAN ni Sen. Bong Revilla ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) nang boluntar-yong sumuko sa Sandiganbayan na nag-isyu ng arrest warrant sa kanya.
Nag-uunahan kasi ang NBI at PNP na arestuhin ang tatlong senador na nasampahan ng kasong plunder: sina Revilla, Jinggoy Estrada at Juan Ponce Enrile.
Pero bakit pa kinakailangang arestuhin ang mga ito samantalang sinabi na nila na sila’y susurender sa sandaling inilabas na ang mga warrants sa kanila?
Gusto lang maipakita ng NBI at PNP sa publiko na di sila natutulog sa pansitan sa pagpapatupad ng batas.
Ito’y pakitang-tao lamang dahil mataas ang antas ng krimen sa bansa pero ang mga salarin ay hindi naaaresto.
Bakit di pagtuunan ng NBI at PNP ang pag-aresto sa mga masasamang-loob sa halip na arestuhin ang mga akusadong senador na nagsabing susuko sila sa paglabas ng warrant?
Madali kasing hulihin ang mga suspek na nakalantad samantalang mahirap arestuhin yung mga nagtatago.
qqq
Sinabi nina Senador Bong at Senador Jinggoy na huwag naman silang arestuhin sa kanilang mga tahanan dahil baka ma-trauma ang kanilang mga pamilya.
At huwag naman dawa sana silang ipahiya sa publiko.
Kaya’t si Bong Revilla na mismo ang pumunta sa Sandiganbayan upang iprisinta ang sarili.
Mananatili sa kulungan ang tatlong senador habang ang kasong plunder na isinampa sa kanila ay dinirinig ng Sandiganbayan.
Magkakaroon ng malaking gulo kapag ginawa ng mga alagad ng NBI at PNP ang di kanais-nais na pag-aresto sa mga nasabing senador dahil baka umalsa ang kanilang mga supporters.
Noong inaresto si Erap ilang taon na rin ang nakararaan dahil sa kasong plunder, muntik na bumagsak ang administras-yon ni Pangulong Gloria nang umalma ang masang Pilipino dahil ipinahiya ang kanilang idolo.
Ginawang katatawanan si Erap nang kinunan siya ng litrato para sa rogues gallery sa harap ng publiko.
Kung gusto ni Pangulong Noynoy na maulit ang nangyaring pag-alsa ng masa, hayaan niyang ipahiya ang tatlong senador, lalo na sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
qqq
Dapat nating tandaan na ang isang taong akusado ay tinuturing na inosente hangga’t di pa siya hinaha-tulan ng hukuman.
Sa madaling salita, sina Enrile, Revilla at Estrada ay maituturing na inosente pa rin dahil wala pang hatol sa kanila.
At saka por Diyos, por santo naman! Ang tatlo ay matataas na opisyal ng bansa.
Kung hindi ginagalang natin ang kanilang pagkatao, igalang natin ang kanilang hawak na katungkulan.
qqq
Pinahihiya at pinahihirapan ng administrayong Noynoy si dating Pangulong Gloria sa kanyang pagkakakulong sa kasong plunder.
Di kasi makalimutan ni Pangulong Noynoy ang ginawa ni Pangulong Gloria noon na alisan ng mga security ang kanyang ina na dating Pangulong Cory habang ito’y nasa ospital.
Nandiyan na tayo na walang modo si Gloria dahil di man lang nito isinaalang-alang ang kalagayan ni Cory nang ito’y alisan ng security.
Pero dahil nga sa ginawang pang-aapi ni Gloria kay Cory at ang pagkamatay ng huli ay nagsimpatiya ang taumbayan kay Noynoy at ginawa siyang pangulo.
Kung namatay si Cory at hindi nagmalabis si Gloria kay Cory, sa palagay ninyo ba ay ibinoto si Noynoy na wala namang ginawa noong siya’y senador at congressman?
qqq
Hindi ba alam ni Pangulong Noynoy ang batas ng karma, na nagsasabi na kung anong ginawa mo sa iyong kapwa ay babalik sa iyo?
Baka pagsisihan ni Noynoy ang ginagawa niyang pang-aapi ngayon kay Gloria.
Baka pagdating ng araw, kapag wala na siya sa puwesto, ay maranasan niya rin ang nararanasang pagpapahirap niya kay Gloria?
Ang tawag ng mga Bisaya sa karma ay “gaba.”
Baka gabain si P-Noynoy ni Gloria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.