Jillian awang-awa kay Mona pag ‘nagtuturok’ | Bandera

Jillian awang-awa kay Mona pag ‘nagtuturok’

Ervin Santiago - June 19, 2014 - 03:00 AM


MAY promise ang bagong teleserye ng GMA 7 na My BFF na magsisimula na sa June 30 bago mag-24 Oras. Ito’y pinagbibidahan ng dalawang cute na cute na Kapuso child stars – sina Jillian Ward at Mona Louise Rey.

Sa presscon ng My BFF nu’ng Martes ng gabi, tinanong ang dalawang bagets kung kumusta ang relasyon nila bilang magkaibigan sa kanilang serye at sa tunay na buhay.

Ayon sa mga bata, maayos daw ang samahan nila sa set, pero inamin nila na hindi pa sila ganu’n ka-close dahil wala silang time maglaro sa taping.

Chika ni Mona, “Siyempre po masaya po ako. Kasi po magkasundo po kami and hindi po kami nag-aaway, and friend ko po siya. And love ko rin po siya.”

Sey naman ni Jillian, nababaitan siya kay Mona pero inamin niyang naaawa siya rito kapag nakikita niyang nagtuturok ng insulin dahil sa sakit na diabetes. “Kaya po never po kaming magiging magkalaban o magkaaway.

Friends po talaga kami,” ani Jillian. Kuwento naman ni Mona, hindi na siya masyadong nahihirapan sa sakit niya ngayon, “Ngayon po, hindi na po masyado (nahihirapan), hanggang 200 na lang po,” referring to her blood sugar.

Sa My BFF gaganap na mag-best friends ang dalawa, si Mona bilang si Rachel, at si Jillian bilang si Chelsea, isang batang multo. Magsisimula na ito sa June 30 kapalit ng My Love From The Star.

Kasama rin dito sina Janno Gibbs, Manilyn Reynes, Valerie Concepcion, Rez Cortez, Leandro Baldemor, Irma Adlawan, Pen Medina, Hiro Peralta at ang nagbabalik-showbiz na si Jaypee de Guzman, sa direksiyon ni Roderick Lindayag.

( Photo credit to my bff publicity photos )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending