Bea sa titulong Bagong Queen of Philippine Movies: Baka magmukha naman kasi akong feeling, di ba!?
Nagsimula na kagabi ang bagong teleserye ni Bea Alonzo sa Primetime Bida ng ABS-CBN, ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kasama si Paulo Avelino at ang ilan sa premyadong aktor sa local showbiz.
At sigurado kami na sa pilot episode pa lang ay na-hook na ang viewers sa kuwento ng dalawang babae sa kuwento, sina Rose at Emanuelle (parehong ginagampanan ni Bea).
Napanood na namin ang pilot episode ng serye, at kahit kami ay pinabilib agad nina Bea at Paulo sa mga nakakakilig na eksena nila. Kaya sure kaming walang kokontra kung kay Bea ibinigay ang titulong bagong Queen of Philippine Movies.
Pero ayon sa Kapamilya actress, nahihiya pa rin daw siya kapag tinatawag siya sa ganu’ng titulo, “I still don’t know how to react. Ang hirap kasi kung iisipin mo.
To be totally honest with you, I feel overwhelmed. I am humbled kasi binibigyan ka ng ganu’ng titulo. Pero siyempre iniisip mo, paano ba dapat ako mag-react? Baka magmukha akong mayabang or magmukha akong feeling.”
Pero siyempre, kakaiba rin daw yung feeling na naa-appreciate ng mga tao ang kanyang trabaho bilang akres, “Siguro kahit sino namang bigyan ng title na ‘yun, tataba ‘yung puso.
I also feel blessed kasi feeling ko dahil ‘yan sa mga proyektong binigay sa akin ng ABS-CBN.” Inamin naman ni Bea na maingat na siya sa pagpili ng proyekto ngayon, “Para sa akin kung gagawa ako ng character, kailangan may resolution kasi meron akong responsibilidad sa mga followers ko, sa mga bata.
Kung hinihingi talaga and merong moral value after, why not? Kasi feeling ko ‘yun ang responsibilidad ko bilang artista.”
Dagdag pa niya, “Para sa akin, kapag na-in love ako sa story, sa character, regardless kung anong itsura ko, kung hinihingi siya ng story at ng character, why not?”
Ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay sa direksiyon nina Jerome Pobocan at Trina Dayrit, kasama rin dito sina Dina Bonnevie, Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, Albert Martinez, Anita Linda at marami pang iba, sa ilalim pa rin ng produksiyon ng Dreamscape Entertainment.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.