True ba, Coco nag-walkout sa taping ng Ikaw Lamang?
NAG-WALKOUT daw si Coco Martin recently sa taping ng soap nila nina Kim Chiu at Jake Cuenca.Kasi naman, three days straight silang nag-taping at talagang halos walang tulugan ang mga artista.
Three units palagi ang ginagamit kaya naman tatlong iba’t ibang location din ang pinagte-taping-an. Hand-to-mouth daw ang scenario palagi which explains kung bakit ngaragan ang taping.
‘Yung ipalalabas daw kasi ngayong gabi ay na-tape lang ngayong araw kaya naman nag-aarkila pa raw ng hagad ang Dreamscape Entertainment para lang hindi na matrapik ang pagdadala ng mga nakunang eksena sa ABS-CBN.
Siyempre nga naman, kung hagad ang magdadala ay madaling makakalusot ang mga ito sa matinding trapik. Imagine, sa San Mateo, Rizal pa raw kinukunan ang mga eksena, eh, sa bundok pa ‘yon.
Patang-pata na raw ang katawan ni Coco dahil kasagsagan pa noon ng promo ng movie niya with Sarah Geronimo. Noong araw ng premiere night niya ay hindi na raw tinapos ni Coco ang natitira niyang three to five sequences at umalis na.
Tinawag niya ang kanyang driver at alalay para magligpit na ng kanyang mga gamit sabay alis na. Nagpaalam naman daw si Coco sa production staff at sa kanyang director at sinabing kailangan naman niya ng pahinga dahil three days na silang sunud-sunod ang taping at meron pa siyang premiere night na pupuntahan kaya kailangang well rested siya.
Walang nagawa ang production. The next day ay walang taping at nag-meeting ang production para pag-usapan ang nangyari. Hindi naman daw sinabon si Coco dahil hindi naman niya kasalanan talaga ang nangyari.
Hindi nga ba’t madalas na nagkakasakit si Coco noon sa taping ng Juan dela Cruz dahil patayan ang taping. Actually, marami na ang nagrereklamo sa sistema ng taping ng mga TV network.
Imagine, nandoon na ang mga artista pero hindi pa makunan ang mga eksena. Why? Kasi pabago-bago ng script, doon mismo ay ginagawa ang mga pagbabago sa script kaya nga naimbiyerna one time si Cherie Gil, ‘di ba?
Masyado kasing rating-conscious ang mga production ngayon. Kapag kasi lumaylay ang isang episode, meaning hindi nag-rate nang husto ay kaagad na magbe-brainstorm ang buong production.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.