AirAsia nais wakasan ang 2-game losing streak | Bandera

AirAsia nais wakasan ang 2-game losing streak

Mike Lee - June 15, 2014 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Cuneta Astrodome)
3 p.m. AirAsia vs PLDT (women’s)
5 p.m. Cagayan Valley vs Cignal HD (women’s)
7 p.m. Cignal vs IEM (men’s)
Team Standings  (women’s) Petron (3-0); RC Cola-Air Force (4-1); AirAsia (2-2); Generika-Army (2-2); PLDT Home TVolution (2-2); Cagayan Valley (1-4); Cignal HD (0-3)  (men’s) PLDT-Air Force (4-0); Cignal HD (2-1); Systema (2-2); IEM (1-2); Via Mare (0-4)

WAKASAN ang dalawang sunod na pagkatalo ang pagtatangkaan ngayon ng AirAsia Flying Spikers sa pagsukat sa napahingang PLDT Home TVolution sa 2014 PLDT Home-Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa ganap na alas-3 ng hapon matutunghayan ang tagisan at ang mananalo ay kakalas sa tatlong koponan na magkakasalo sa ikatlong puwesto sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home-DSL na may suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment LGR, Bench at Healthway Medical.

Ang Cagayan Valley Lady Rising Suns at Cignal HD Spikers ang magtutuos sa ikalawang laro dakong alas-5 sa ikalawang women’s match habang ang huling laro dakong alas-7 ng gabi ay sa hanay ng Cignal at IEM sa kalalakihan.

Matapos ang dalawang sunod na panalo ay dumapa ang Flying Spikers sa matitikas na koponan na Generika-Army Lady Troopers at RC Cola-Air Force Raiders upang makasama ang PLDT at Lady Troopers sa 2-2 karta.

“Lumabas ang problema namin laban sa malalakas na teams. Pero wala naman kaming ibang dapat gawin kungdi ang sumubok uli na manalo,” wika ni AirAsia coach Ramil de Jesus.

Si Cha Cruz ang siyang nakikitaan ng husay mula nang nagsimula ang kampanya ng tropang pag-aari ni sports patron Mikee Romero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending