Lovi laging kinakausap di FPJ sa sementeryo | Bandera

Lovi laging kinakausap di FPJ sa sementeryo

Ervin Santiago - June 15, 2014 - 03:00 AM


FATHER’S day ngayon, kaya siguradong nasa sementeryo si Lovi Poe para dalawin ang kanyang amang si Fernando Poe, Jr.. Kapag may okasyon, hinding-hindi nakakalimot ang Kapuso actress na bisitahin ag puntod ng kanyang namayapang ama.

Ayon kay Lovi, naglalaan talaga siya ng oras para madalaw si FPJ kahit na napakarami niyang trabaho. At ngayong araw ng mga tatay, sisiguruhin niyang mabibisita niya ang libingan ng dating Hari Ng Pelikulang Pilipino.

Sey ng isa sa mga leading lady ni Dingdong Dantes sa GMA TeleBabad series na Ang Dalawang Mrs. Real, madalas ay nagdadala siya ng bulaklak para kay FPJ.

Kinakausap daw talaga niya ang namayapang ama na parang nasa harap niya lang. Nagkukuwento si Lovi ng mga nangyayari sa personal niyang buhay at sa kanyang showbiz career.

Naniniwala kasi si Lovi na patuloy siyang ginagabayan ng kanyang tatay kaya wala rin siyang sawang nagpapasalamat sa Action King.

Samantala, tipid pa rin ang Kapuso leading lady sa pagse-share ng detalye tungkol sa love affair nila ngayon ni Rocco Nacino, pero tulad ng lagi niyang sinasabi, maligayang-maligaya siya ngayon kung anumang meron sila ng aktor.

Sey nga niya, isa si Rocco sa mga taong nagpapasaya at nagbibigay-kulay sa buhay niya ngayon at super inspired din siyang magtrabaho, lalo na sa taping ng kanilang serye ni Dingdong sa Kapuso network kasama ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sabi nga ni Lovi, napakaswerte niya na napasama siya sa nasabing soap opera dahil ang gagaling daw ng mga kasama nila sa programa.

Sa itinatakbo ng kuwento ng Ang Dalawang Mrs. Real, hindi pa nagkikita ang mga karakter nila ni Maria, kaya sey ni Lovi, maghalong kaba at excitement na ang nararamdaman niya once na magkasama na sila ni Maricel sa mga eksena bilang mga asawa ni Dingdong.

Hindi pa masabi ni Lovi kung magkakaroon din sila ng nga “madugong” eskena ng Diamond Star sa kanilang serye, pero nakahanda na raw siyang masampal ni Maricel kung sakali.

Sabi nga niya, isang malaking karangalan para sa kanya ang masampal o masabunutan ng isang Maricel Soriano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to entertainment inquirer.net )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending