Maricel pinuputakti na naman ng mga intriga
Tila si Maricel Soriano ang laman ng blind items lately. All descriptions point to her and we felt na hindi maganda ang mga nasusulat sa kanya lately.
Tila siya ang sinasabing late palagi sa teleserye nila. Ang daming naglabasang blind item na kulang na lang ay pangalanan siya. Tama ba ang nasulat na minsan ay seven hours siyang late?
Ang chika, late na nga raw palagi ay mataray pa itong si Maricel. At hindi pa nga raw doon nagtatapos ang kalbaryo ng mga co-workers niya.
Kapag daw busy ang lahat rehearsing their lines ay talk raw nang talk ang aktres at tila hindi makaramdam na gusto ng mga katrabaho niya ng silence because they need to concentrate on the next scene.
Takot na takot daw ang production staff sa aktres dahil sa katarayan nito. Alam n’yo naman ang image ni Marya, she does not mince words when she’s mad.
Hindi raw pala malaman ngayon kung may gagawing hakbang ang mga taga-GMA dahil hindi rin naman nila puwedeng alisin basta-basta ang character ni Marya dahil nasa title siya. True ba lahat ito, Marya?
We hope not because you’re one of the greatest actresses of your generation. Nabigyan ka na ng second chance kaya ‘wag mong sayangin.
Isa pa, what’s wrong with your face, your mouth specifically? Bakit tila hirap kang mag-deliver ng lines? Ang dami ng nakakapansin na tila hindi mo mabigkas ang mga salita mo with ease.
( bandera.ph file photo )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.