Angelica, John Lloyd nagpakaligaya sa Thailand, bonggang ‘honeymoon’ sa yate | Bandera

Angelica, John Lloyd nagpakaligaya sa Thailand, bonggang ‘honeymoon’ sa yate

Julie Bonifacio - June 13, 2014 - 03:00 AM

JOHN LLOYD CRUZ AT ANGELICA PANGANIBAN

TWO weeks before ng birthday ng aktor na si John Lloyd Cruz on June 24, nauna na silang nag-celebrate ng kanyang real life girlfriend na si Angelica Panganiban sa Phuket, Thailand.

Sa Thai Airways sumakay sina John Lloyd at Angelica at hindi sa Philippine Airlines dahil knows nila na pagtsitsismisan sila ng mga Pinoy hindi pa man nakakarating sa kanilang rendezvous. Pero teka, ano naman kung makita silang magkasama ng mga Pinoy? Knows naman na magdyowa sila?

Anyway, pinost ni Angelica sa kanyang Instagram account ang pictures nila ni Lloydie habang nagba-bakasyon sa Thailand.

Ilan sa pictures na pinost ni Angellica ang picture nila habang nasa swimming pool. Kasama rin sa pinost ni Angelica ang video habang nagsu-swimming sila sa ilalim ng pool ni Lloydie with matching background music na kanta ng Spice Girls.

In fairness kay Lloydie, nabawasan talaga siya ng taba at nawala na ang bilbil niya. Naka-two piece swimwear si Angelica kaya kitang-kita ang walang hubog niyang katawan. Halos magkasing-beywang na sila ni John Lloyd, huh!

Pinost din ni Angelica ang picture nila ni Lloydie habang nasa isang private yacht with matching quote from Izaak Walton na nagsasabing, “Good company in a journey makes the way seem shorter.”

Say naman ni Angelica sa picture nila ni Lloydie, “Thank you Idan for a wonderful vacation. Sabi ko nga sa ‘yo sa yacht, hindi pumasok sa isip ko, o hindi ko pinangarap na makasakay ng private yacht, dahil alam kong imposible, kaya d na ko nag attempt mangarap ng malala, pero nangyari siya, tinutupad mo ang mga bagay na hindi ko man lang sinubukang pangarapin? advance happy birthday labidab!! I lablab you!!! #ayphuket!”

Obviously, Idan ang term of endearment ni Angelica kay Lloydie. Kung bakit Idan we think it has something to do sa bagong film na favorite ngayon ni Angelica replacing Popoy and Basha’s “One More Chance,” ang “The Fault In Our Stars.”

Ayun nga, imbes na si John Lloyd ang regaluhan ni Angelica, siya pa ang binigyan ng surprise treat ng kanyang BF. Buti na lang may time pa rin sila na mag-out of the country with Lloydie’s busy schedule.

Habang si Angelica maaaring sinasamantala ang panahon habang wala pa siyang ginagawa na bagong teleserye sa ABS-CBN. Ang huli pa niyang soap sa Kapamilya network ay ang Apoy sa Dagat with Piolo Pascual and Diether Ocampo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending