Filipino citizenship ni Blatche aprub na kay PNoy
PINIRMAHAN na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Republic Act 10636 na nagkakaloob kay Andray Blatche ng Filipino citizenship.
Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang pagkakaloob ng Filipino citizenship kay Blatche.
Dumating si Blatche kamakailan sa bansa bilang paghahanda para sa paglalaro sa Gilas Pilipinas na nakatakdang sumabak sa FIBA World Cup at sa Asian Games.
Si Blatche ay naglalaro bilang sentro ng Brooklyn Nets sa National Basketball Association (NBA).
Ang 6-foot-11 center-forward ay nag-average ng 11.3 puntos, 5.3 rebounds, 1.5 assists at 1 steal sa 22.2 minutong paglalaro para sa Nets nitong nakaraang season.
Ang 27-anyos na si Blatche ay inaasahang papalit naman kay Marcus Douthit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.