Privilege speech ni Bong sa Senado Showbiz na Showbiz, nasayang lang
MAHAL na mahal ko itong si Sen. Bong Revilla, Jr. – no question about it. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya – love his family so dearly lalo na ang kaniyang butihing ama.
And Sen. Bong himself – wow! What a great man! What a friend! He never displeases us, lahat ng lambing namin sa kaniya ay sinusuportahan niya – my small shows – oh no! He’s on top of the list.
But you know, may mga bagay-bagay tayong natutunan as we watch him perform as a public servant. As far as being a public servant is concerned, bilib ako sa kanya. Masipag and hands-on sa kanyang responsibilidad as politician.
Bilib ako sa determinasyon ng senador na ito – kung gaano kamatulungin sa mga kababayan nating nangangailangan…kung gaano kabuting anak sa ama niya, gaano kabuting kapatid at gaano kabuting ama ng kanilang mga anak.
He may be young pero exemplary sa field na kaniyang nasuungan. I caught some part of his latest privilege speech a few days ago and I must say na nabitin ako.
No offense meant sa mahal nating senador pero akala ko ay nanonood lang ako ng isang product launch or nanood ng isang speech sa isang premiere night.
I was expecting a big pasabog – not necessarily hitting his colleagues left and right, something deeper lang or you know. Actually, it’s not about how Sen. Bong delivered the speech, kasi kita niyo naman kung paano siya magsalita – loud and clear.
Lumalabas ang pagiging guwapong aktor niya and nothing wrong with it, in fact, mas advantageous nga iyon compared to many of them. It has something to do with the speech per se.
Hindi dapat ginawang showbiz na showbiz because buong mundo ang nanonood sa kaniya. Yung blow-by-blow nga pero very substantial sana. Medyo dignified sana na speech na bagay sa okasyon.
It was a very momentous event na dapat sana’y pinag-aralan nang mabuti ng kaniyang speechwriters. What kinda?
Naluha ako nang bahagya nang kumanta siya with matching video, pero bigla akong nagising sa katotohanan na – hey guys!
This is not a showbiz event, not a tribute or what! This is a privilege speech kung saan dapat ay maliwanag ang pagdepensa niya sa kasong isinasampa sa kaniya. Dapat correlated ika nga.
For me kasi, parang nawala siya sa linya ng main issue. Sabi nga ng isang kaibigan kong analyst, hindi na lang sana siya nag-privilege speech kung ganoon lang din naman pala.
Nasayang lang ang moment ni Sen. Bong. Kasi nga kaya niyang mag-privilege speech given the right material. Meron sanang pool of advisers si Sen. Bong na umaalalay dito, hindi yung sunod na lang nang sunod sa anumang isulat ng speechwriters.
Ang bottomline lang naman dito ay ang benggahan sa politics kaya naipit ang isang mabuting tao like Sen. Bong. The P-Noy mentality, his style in politicking.
Nakakalungkot talaga ang kalagayan ng bansa natin dahil pag hindi ka kaalyado, tigok ka. Kailangang marunong kang (sorry sa for the words) humimod ng puwet ng mga amo mo.
Kaya ako, ayoko talagang pumasok sa politics dahil iba ang style rito sa atin. Going back to Sen. Bong, masakit para sa amin sa industriya ng showbiz ang mapanood ang isang mahal naming kasamahang hinuhusgahan ng pangit na pamahalaan.
Basta kami ay patuloy na magdarasal na malagpasan ni Sen. Bong ang malaking pagsubok na ito – isang malaking challenge ito sa kaniyang person na sana’y matapos na sa lalong madaling panahon.
He doesn’t deserve this kind of treatment from the present administration. Hindi kasi sila patas sa lahat ng kanilang inaakusahan eh, tama rin si Sen. Jinggoy Estrada when he said na napaka-selective ng gobyernong ito sa kung sino lamang ang kanilang gustong ipitin.
God is good anyway. He knows everything. Lahat ng ito’y may katapusan, may balik ito sa kung sinuman ang merong itim na budhi na nais lamang manakit ng kapuwa nila.
Sad, di ba? Philippine politics is truly one of a kind. Good luck, Sen. Bong and the rest. Don’t worry, justice will truly prevail one day. Believe me.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.