MTRCB naalarma sa dami ng reklamo laban sa PBB all in | Bandera

MTRCB naalarma sa dami ng reklamo laban sa PBB all in

Ervin Santiago - June 11, 2014 - 03:00 AM


Handang makipag-cooperate ang ABS-CBN at ang mga taong involved sa reality show na PBB All In sa MTRCB matapos ngang ireklamo ang programa ng ilang viewers.

Ito’y nag-ugat sa isang challenge kung saan pinilit diumano ni Big Brother ang isang female housemate na magpa-paint ng hubo’d hubad.

Ayon sa ulat, naalarma ang MTRCB sa napakaraming reklamo na natanggap nila sa diumano’y “gender-insensitivity” sa PBB. Marami ang nagsasabi na sobrang bastos at mahalay na raw ang show.

Ipinatawag ng ahensiya ang production ng programa para magpaliwanag. Ayon naman kay Bong Osorio, ABS-CBN spokesperson, “We have received the invitation from MTRCB. We will cooperate and attend the conference on June 11 (ngayon).”

Samantala, nagbanta naman si Big Brother sa lahat ng natirirang housemates na posibleng ma-evict silang lahat kung hindi sila makakapasa sa mga buwis-buhay na challenges na ipagagawa niya ngayong linggo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending