Jinggoy, Bong walang planong takasan ang kaso: Handa na kaming makulong! | Bandera

Jinggoy, Bong walang planong takasan ang kaso: Handa na kaming makulong!

Cristy Fermin - June 08, 2014 - 03:00 AM


Ilang araw na lang mula ngayon ay magbabago na ang ikot ng maghapon nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla. Matagal na nilang sinasabi na handa silang magpakulong, handa silang harapin kung ano ang kahihinatnan ng mga kasong ikinukulapol sa kanilang imahe, pero ang pagtanggap sa sitwasyon ay malayo pa bago mangyari.

Labas ang mga asuntong ibinabato sa kanila ngayon ay nalulungkot ang industriyang kinalakhan na nila, sa lokal na aliwan muna sila nakilala at nagkaroon ng magandang kapalaran, bago nila pinasok ang mundo ng politika na sobrang sakit ang ibinigay sa kanilang buhay.

Dalawang pangalan ito na lumulutang na kakandidato sa susunod na halalan, naging napakaaga kaya ng kanilang pagpaparamdam, kaya ganito ang kinauwian ng kanilang karerang-politikal?

Bukas ang bibig ni Senador Jinggoy sa pagsasabing bakit sila lang nina Senador Bong at Senador Juan Ponce Enrile ang pinag-iinitan? Lalo na ngayong mga panahong ito na kasinggulo na ng buhol-buhol na hibla ng abaka ang mga listahang lumalabas ng mga diumano’y nakinabang sa PDAF scam ni Gng. Janet Napoles, bakit ang tatlong senador lang ang tinititigan ng paghusga, bakit kailangang sila lang ang usigin at ipakulong?

May kinalaman nga ba sa parating na eleksiyon ang mga nagaganap ngayon sa pangalawang mundong pinasok at minahal nina Senador Jinggoy at Senador Bong?

Matapang na pahayag ni Senador Jinggoy, oras na lumabas na ang warrant of arrest laban sa kanilang tatlo ay hindi na siya kailangang hanapin pa, siya na mismo ang magsusuko sa kanyang sarili sa batas.

“Wala akong kasalanan!” magkatono lang ang pahayag nila ng kanyang kasama-kumpareng si Senador Bong Revilla. Handa silang magpakulong pero patuloy na lumalaban.

Haharapin nila ang pagsubok na ito nang may paninindigan.

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending