PBB may nilabag na batas, Housemate pinilit daw maghubad ni Big Brother Bandera

PBB may nilabag na batas, Housemate pinilit daw maghubad ni Big Brother

Reggee Bonoan |June 07,2014
share this

PBB may nilabag na batas, Housemate pinilit daw maghubad ni Big Brother

Reggee Bonoan June 07, 2014 - 03:00 AM


NAIPA-PREVIEW kaya sa MTRCB ang umereng episode ng Pinoy Big Brother All In noong Huwebes?  Violent kasi ang reaction ng Philippine Commission on Women (PCW) sa napanood nilang mga eksena sa reality show ng ABS-CBN.

Ayon sa kanila, nilabag ni Big Brother ang karapatan ni Jayme Jalandoni bilang babae. Ayon sa PCW base sa section 19 of the Implementing Rules and Regulations of the Magna Carta of Women as  that media organizations should not induce, encourage, and/or condone violence against women in any form and/or in the violation of their human rights.

Inudyukan ni Kuya na magpa-nude painting si Jayme kasama sina Daniel Matsunaga, Ranty Portento at Cheppy para sa weekly task nila, ang kapalit nito, hindi mababawasan ang kanilang budget.

Tumanggi si Jayme dahil para sa kanya ay naba-violate na ang kanyang pagkababae lalo’t mapapanood ito sa national television. At base sa usapan nina Jayme at Kuya ay talagang may pilitang nangyari.

Narito ang kabuuan ng usapan:
Kuya: Kakasimula pa lang ng linggo ay may isang ‘No’ na kayo.

Jayme: Opo. Sana po lahat kami pareho ng iniisip na lahat po kami as much as possible game po sa lahat ng ipapagawa ninyo sa amin.

Kuya: Eh ikaw ba, ano ba sa tingin mo ang kayang-kaya mong gawin?

Jayme: Kahit ano naman po sa tingin ko kakayanin ko as long as hindi naman po niya natatamaan ang mga values ko or ‘yung faith ko.

Kuya: Jayme, mayroon akong isang mahalagang hamon. Bukod sa inyong weekly budget, may iba pang nakasalalay dito.

Kuya: Jayme, mayroon akong nakilalang isang magaling na artist. Marami siyang natutulungan, marami siyang natuturuan at yung pagtuturo niya wala itong bayad at gusto ko siyang tulungan sa kaniyang adbokasiya sa tulong mo at ng ibang housemates.

Kuya: Jayme, gusto mo bang maging modelo para sa isang painting? Para magkaroon ka ng ideya, bakit hindi mo muna alisin ang takip?

Jayme: Kuya, ayoko maghubad.

Kuya: Jayme, gaya ng sinabi ko marami ang nakasalalay rito. Ang inyong weekly task, ang tulong na maibibigay sa pintor at sa kaniyang adbokasiya. Mapapanindigan mo ba yung sinabi mo sa akin kanina?

Jayme: Seryoso ba ‘to?

Kuya: Mabigat ang hamon ko para sa ‘yo. Kaya naman bibigyan kita ng oras para makapag-isip. Dahil dito, maraming netizens pa rin ang nag-react.

Mula kay @normangat said, “Kuya, why so brutal? You’ll ask Jayme to pose nude for an advocacy? Preposterous! This is not advocacy. You’re all for publicity!”

Nag-react din si @ryacayeee, “LOL, even if it’s art, I don’t know why they do such painting. I just don’t get why does it has to be nude, but hands down to Jayme.”

Heto pa mula kay @xxgenviedollxx, “I may be against the nude painting task but I salute Jayme for such bravery. Go Jayme!! You can do it girl!!!”

Sang-ayon naman dito si @lovecubechinito, “Nag-yes si Jayme. It’s because modeling for a nude painting has its valid purpose! She’ll portray it with NO LUST. Go Jayme!”

Mukhang desparate move itong ginawa ni Kuya para lang mapag-usapan ang housemates dahil sabi nga ng nakatsikahan naming taga-advertising agency ay walang dating ang Pinoy Big Brother All In na sinulat nga namin dito kahapon.

Hintayin na lang natin kung paano ipaliliwanag ng management ang ginawa ni Big Brother at kung maparurusahan ng MTRCB si Kuya.

( Photo credit to EAS )

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending