Ex-member ng That's Entertainment inakusahang bugaw ni Krista Miller | Bandera

Ex-member ng That’s Entertainment inakusahang bugaw ni Krista Miller

Jobert Sucaldito - June 07, 2014 - 03:00 AM


NAAWA naman ako sa anak-anakan kong si Jeff Gonzales, dating member ng That’s Entertainment na show producer cum promoter na ngayon. I saw him grow in the industry and I know his character in some ways.

Ilang beses na kaming nagkasama sa mga events after niyang magbabu as an actor at wala naman akong masasabing masama sa kaniya dahil mabait namang bata.

Magalang at nakikinig din ‘yan sa aming mga advice. Mapagmahal sa pamilya – he will do every little good thing para sa kaniyang pamilya. In short, mabait na bata ito.

The other night ay tumawag si Jeff sa akin – meron siyang idinadaing. Ito’y tungkol sa isang nagngangalang Kristian Torres na nag-post sa Facebook kamakailan na diumano’y hinuli siya ng mga ahente ng NBI dahil sa pambubugaw – referring to the issue of Krista Miller yata na iniimbestigahan ng NBI at DOJ when seen sa CCTV ng isang hospital na dumalaw sa isang lider ng gang.

Hindi batid kung ano ang relasyon ni Krista sa pasyenteng lider ng said gang and nagkataon namang kaibigan nga nito si Jeff, hindi lang malinaw sa akin kung kasama si Jeff sa pagdalaw ni Krista na iyon.

“Kaibigan ko po si Krista dahil kinukuha ko iyan for some shows. Yes, sa Bilibid Prison kasi ay merong nagpapaimbita para magpa-show doon para ma-entertain naman ang mga bilanggo.

“Nakailang shows na rin kami roon, nagdadala kami ng talents pero hindi kami nagbubugaw. Nakilala nga ni Krista ang lalaking ito and hindi ko na alam kung ano ang status ng friendship nila, kasi nga, I just bring in shows sa loob (ng kulungan).

“Ganyan naman pag sexy stars ang dala mo minsan, pinag-iinteresan talaga ng mga boys. Pero hanggang sa show lang kami and after that, labas na kami kung anuman ang kanilang napagkakasunduan ng mga nakikilala nila.

“Na-offend lang ako sa post na iyon nitong si Kristian Torres, sabihin ba namang hinuli ako ng NBI dahil sa pambubugaw. Hindi po totoo iyan. I am very much around at hindi ako nakakulong.

“Ang mahirap kasi niyan, my family read the post, some of my friends read it too. Paano natin malilinis ang pangalan natin kung ganito na agad, parang nahuhusgahan ka na? Paano na yung mga producers na nagtitiwala sa atin sa maliit nating hanapbuhay? Baka ma-turn off sila sa akin, di ba?

“Sana ay malinis nitong Kristian Torres ang pangalan ko dahil ito lang ang ikinabubuhay ko ngayon, ang mag-produce ng maliliit na shows. Baka mawalan ako ng sponsors nito,” ang pag-aalala ni Jeff.

Tama si Jeff. Iyan ang mahirap kasi sa mga taong kaybilis humusga ng kapwa. Hindi muna inaalam ang buong istorya ng mga bagay-bagay bago mag-post sa anumang social media.

Alam niyo naman ang power ng social media nowadays – hindi biro. Konting kibot mo lang, sira ka na. You’re already tried by publicity.

Sana ay maging fair lang tayo sa pag-post ng anything, kung hindi tayo sure sa mga facts (lalo na sa mga sensitive issues) ay maghinay-hinay. Ilagay palagi sa patanong kung hindi sure, di ba?

“I may just a file a case against this person dahil padalos-dalos siya kung mag-post. Hindi ba’t protektado na tayo ng anti-cyber crime law? That’s libelous, di po ba?” tanong ni Jeff.

Tama iyan, Jeff. If you think your person is violated, go to court para bigyan ng leksiyon ang sinumang malakas ang loob na Kristian Torres na ito. Para na rin matuto kung totoong nagkasala siya.

( Photo credit to krista miller official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending