Bea ayaw pang magpabuntis kay Zanjoe: Mahirap ang magplano! | Bandera

Bea ayaw pang magpabuntis kay Zanjoe: Mahirap ang magplano!

Ambet Nabus - June 06, 2014 - 03:00 AM

BEA ALONZO AT ZANJOE MARUDO

Bilib naman kami sa pagiging honest ni Bea Alonzo.

Una, hindi ito nagpi-pretend na kampante at malakas ang loob na ang bagong soap niyang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ay agad magiging winner sa ratings game.

“Siyempre po aaminin kong pressured ako dahil bukod sa very successful yung papalitan naming soap (The Legal Wife) , matindi ang support at mga kasama ko dito. Hindi puwede dito yung puwede na attitude,” pahayag ni Bea.

Ikalawa, napakamarespeto ni Bea to acknowledge all the efforts of her co-stars pati na yung ginagawa ng dalawa nilang direktor, “It’s always a group effort. Hindi ko kailanman iisipin na porke tinatawag akong movie queen eh, may karapatan na akong umasta na ako ang pinakasikat sa lahat. Sa totoo lang po, hindi nga ako komportable sa ganu’ng tawag (movie queen) pero I’m as grateful as those who once had this label. Pero ang mas mahalaga, at the end of everything, sino ka at ano ang nagawa mong maganda para sa lahat,” saad pa ni Bea.

Kahit nga ang usapin sa kanyang personal na buhay gaya ng mga balitang planong pagpapakasal nila ni Zanjoe Marudo ay buong tapat na sinasagot ni Bea, “Talaga naman pong mahirap ang nagpaplano. Kailangan talaga pinaghahandaan muna ang anumang bagay na seryoso, bago yung plano o mga detalye ng kasal, ganyan,” reaksyon nito sa naging pahayag ng BF na hindi pa siya ready na magpakasal.

Pero ang nakakatuwa at nakaka-kilig naman du’n mga ka-BANDERA ay ang ipinahayag ni Zanjoe na si Bea na ang kanyang last GF. Meaning, ito na ang handa niyang pakasalan at maging ina ng kanyang mga anak. Pero mukhang hindi pa nga ready si Bea na magpabuntis kay Zanjoe!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending