‘Bamboo mag-sorry ka kay Nora!’ | Bandera

‘Bamboo mag-sorry ka kay Nora!’

Jobert Sucaldito - June 06, 2014 - 03:00 AM

NORA AUNOR AT BAMBOO

I USED to like Bamboo as a performer – kahit nu’ng panahon pa ng Rivermaya hanggang sa huli ko siyang napanood sa isang event sa Laguna a few years back.

May sarili siyang style and in fairness to him, nag-work ang strategy niyang kiyemeng aloof and slightly snob. Pero dapat ay inilalagay sa lugar ang ganitong persona – alam din dapat niya kung kailan niya dapat i-get rid slightly ang kaniyang kasupladuhan kuno.

Napakarami na nating narinig na chika that this Bamboo has snubbed some reporters or fans during some photo-ops. Ayaw daw ni Bamboo na nagpapa-picture kahit kanino lalo na sa kaniyang screaming fans before kaya hindi na siya gaanong kinukuha diumano ng mga show producers dahil sa sobrang dami ng kaartehan nito.

Ang dami raw demands – talo pa raw ang mga babaeng artists sa mga drama nito sa buhay. But of course, wala naman tayong magagawa but to respect his way of handling his career. He knows what he wants after all. Alam naman niya ang epekto nito sa kaniya kaya no way na mangialam tayo sa kaniyang management style.

Isa lang ang hindi namin matanggap sa puso namin – ang pagiging bastos nitong si Bamboo when approached daw by no less but our very own Superstar Nora Aunor nang magkita sila sa isang affair sa Ilocos Norte.

Nang malaman ni Mama Guy na si Bamboo yung nandoon, very humble na lumapit diumano ang Superstar sa mukhang nerd na singer na ito para magpakilala and said na she liked his music. Very cold lang daw siyang tiningnan nitong hinayupak na ito sabay walked away.

“Baka Vilmanian si Bamboo, di kaya?” biro ng isang netizen.

Tawa na lang kami nang tawa sa joke nitong kausap namin. Pero teka lang naman, hindi ordinaryong tao ang lumapit sa kaniya – hindi lang dahil sa kasamahan niya ito sa industriyang ginagalawan niya – REYNA ito ng showbiz industry, a demigod of sorts. Tapos iisnabin lang ng isang Bamboo na wala pang napatunayan sa industriyang ito.

He may be a star in his own right pero hindi pa niya narating ang tugatog ng taong iniisnab niya. Nagpaka-gentleman man lang sana siya. He should be flattered na nilapitan siya ng isang Superstar. Bilang babae na lang – dapat iginalang niya ang isang Nora Aunor na lumapit sa kaniya. Isang maliwanag na kabastusan ang ginawa niya kay Mama should this report is true.

Kaya dapat ay pagwelgahan ang lalaking ito. He should suffer his consequence here. Hindi namin matatanggap iyan – you don’t have to be a Noranian para ma-offend sa ginawang ito ni Bamboo. Ano’ng feeling niya – that he’s God’s gift to mankind? He has to apologize to our Superstar or else he will not hear the end of it. Believe me!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending