Persona non grata sa Mindoro isasampal kay Maegan | Bandera

Persona non grata sa Mindoro isasampal kay Maegan

Jobert Sucaldito - June 05, 2014 - 03:00 AM


NU’NG Sabado nang gabi namin narinig sa isang kaibigan sa Prince Xanadu bar sa Q.C. na inaayos na raw ng vice-governor ng Mindoro ang pagdeklara kay Maegan Aguilar ng persona non-grata dahil tinawag daw niyang taga-bundok ng Mindoro ang asawa ng ama nitong si Freddie Aguilar na parang nandidiri, sabay sabing, “YUCKKKK!!!”

Any public official for that matter would react violently pag ang mahal na niyang bayan ang dinadawit sa anumang gulo ng ninuman. And we appreciate every public servant na may pagmamalasakit sa kaniyang bayan.

Hindi dapat minamaliit ng kahit sino ang kahit anong community especially the minority groups sa bansa natin. No one has the right to insult anyone most especially pag binanggit na ang lugar na pinanggalingan nito.

Bawal ang mangutya at sana’y aware diyan si Maegan Aguilar. Ito kasing si Maegan, parang ine-enjoy ang kaniyang15-minute claim to fame – at ang masaklap pa rito, ang pangit ng ipinaglalaban niya.

Winawasak niya ang sarili niyang ama sa personal niyang galit. And mind you, she has gone rounds of TV and radio appearances and guestings para lamang sirain ang kaniyang amang minsan ding naglagay sa bansa natin sa pedestal ng international music scene.

“I don’t know what kind of a human being this Maegan Aguilar is. Anong klaseng anak iyan? Sobrang spoiled siguro nu’ng bata pa siya kaya hindi na naagapan.

What the heck! How can she ruin her own dad? How could she do that?” say ng kaibigan kong nasa abroad. I don’t know how to describe these kinds of children.

Hindi excuse ang anumang sama ng loob mo sa iyong mga magulang para bastusin mo sila nang ganito. Puwede naman niyang kausapan nang masinsinan ang kaniyang ama sa anumang sama ng loob niya pero para sirain ito sa media – akala ba niya ay may naniniwala sa kaniya?

Of course, WALA! Lalo lang nagalit sa kaniya ang taumbayan dahil ipinakilala lang niya sa mundo kung anong klaseng anak siya, kung anong klaseng tao siya.

Nakipagsabayan sa family issues ng mga Barretto na isa ring napakapangit na ehemplo sa taumbayan. Ano ba ang nangyayari sa mga ito? Ito na ba ang resulta ng pagbabago ng teknolohiya? Pati magkakapamilya gusto nang magpatayan? At gusto pa sa harap ng camera, kaloka, di ba?

Anyway, we yet have to confirm kung ready na ba ang Mindoro na ideklarang persona non-grata itong si Maegan. Kami ay sang-ayon sa kanilang pinaplanong ito laban kay Maegan. She has to learn her lessons sa pinaggagawa niya.

And yes, bukas ang pahinang ito para sa side ni Maegan pero huwag siyang magkamaling awayin kami at makakatikim siya sa amin ng mga salitang hindi pa niya natitikman sa tanang-buhay niya. Subukan lang niya. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( bandera.ph file photo )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending