Gumagawa lang kaya ng ingay itong si Niña Jose?
Gusto lang kayang maging sentro ng intriga ng magandang dalagang ito na buong ningning na nagpahayag nu’ng Linggo nang hapon sa Paparazzi Showbiz Exposed na nililigawan daw siya ni Vic Sotto?
At take note, Bossing Vic ang tawag sa sikat na aktor-TV host ng maraming artista bilang pagrespeto, pero si Niña, isang lumalagutok na Marvic lang ang tawag niya kay Bossing Vic, ganu’n kakaswal?
Si Zoren Legaspi ang humawak ng interbyu ni Niña Jose at kuwento ng aktor naming kasamahan sa Paparazzi, bago raw sila nagsimula ni Niña sa kanilang interbyuhan ay tumawag pa ang dalaga kay Bossing Vic para magpaalam, pumayag daw naman ang komedyante.
Kuwento ni Zoren, “Nagpaalam pa siya kay Bossing Vic, bago kami mag-start, nag-usap sila, sinabi pa nga raw sa kanya ni Bossing Vic, ‘Okey lang, sabihin mo sa kanila, mahal na mahal kita!’
“So, ‘yun na nga. Nu’ng tinatanong ko na siya kung totoo bang nagpaparamdam sa kanya si Bossing Vic, sinabi niya na tanungin ko na lang si Bossing Vic, pero pinanindigan niya na parang oo raw, nililigawan nga siya,” tawa nang tawang kuwento ni Zoren.
Nakakaloka ang babaeng ito, Kuya Oyo ang tawag niya sa anak ni Vic Sotto, pero sa aktor-TV host ay Marvic lang ang kanyang tawag.
Ganu’n nga kakaswal kung tawagin ni Niña ang sikat na komedyante-TV host.
Magkasama sila sa isang sitcom ng TV5, ang The Jose And Wally Show Starring Vic Sotto, du’n daw sila naging close ni Bossing Vic ayon kay Niña Jose.
Naku, paano na ngayon si Pauleen Luna, siguradong magkakaroon ng reaksiyon ang magandang dalaga tungkol sa isyung ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.