Nagpaka-daring na si Lauren Young sa launching movie niya with Richard Gutierrez, ang suspense-thriller na “Overtime” under GMA Films.
Napanood namin ang full trailer ng pelikula at kahit kami ay na-shock sa mga maiinit na eksena nila ni Richard, lalo na ang kanilang torrid kissing scene at bed scene.
Bukod pa nga ‘yan sa mahaba-habang eksena nila ni Richard kung saan kailangan siyang lumakad at magtatakbo habang naka-mini skirt at naka-bra lang. Ibig sabihin, si Richard ang nakabinyag sa kanya pagdating sa love scene at laplapan.
Sa pocket presscon na ibinigay ng GMA Films kay Lauren kahapon for the said movie, inamin niya na pinag-isipan muna niyang mabuti kung tatanggapin ang nasabing proyekto dahil nga sa tindi ng mga intimate scenes nila ni Chard, pero sa huli, mas nanaig pa rin ang kanyang pagiging professional actress.
“Napakaganda, nakaka-excite ang kuwento ng ‘Overtime’, kaya sabi ko, sayang kung palalagpasin ko lang. Kailangan sa istorya ‘yung mga love scene namin ni Chard, kaya umokey ako. Tsaka kapag napanood na nila ‘yung movie, hindi naman siya bastos, sasabihin nila, tama lang na pumayag ako na gawin ‘yung mga scenes na ‘yun,” paliwanag ni Lauren.
Wala naman naging problema si Lauren kay Richard doing their intimate scenes dahil napaka-gentleman daw ng aktor, “Actually, sabi ko sa kanya, i-guide na lang niya ako dahil mas marami na siyang nagawang mga ganu’ng eksena sa past movies and series niya. At ‘yun, lumabas namang makatotohanan ‘yung mga ginawa namin.”
Lauren will play the role of Jodi, siya ang gagamitin ni Richard bilang si Dom, para makapaghiganti sa mga taong nagkasala sa kanya. Magsisimula ang kwento sa pagiging magkaibigan nila sa internet, hanggang sa mag-eyeball. Hindi alam ni Lauren na may masamang balak na pala sa kanya si Dom.
Pagkatapos nilang magsalo sa kaligayahan isang gabi, magigising na lang si Lauren na may nakakabit nang bomba sa katawan niya, at dito na nga magsisimula ang suspense ng pelikula na idinirek nina Earl Ignacio at Wincy Ong. Ka-join din dito sina Renz Velario, Bearwin Meilly, Roadfill Sparks, Roi Vinzon at marami pang iba.
Showing na ang “Overtime” sa July 2 nationwide.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.