Sunshine mas gustong kumita ng milyones kesa lumandi sa mga lalaki | Bandera

Sunshine mas gustong kumita ng milyones kesa lumandi sa mga lalaki

Julie Bonifacio - June 02, 2014 - 03:00 AM

OVERWHELMED si Sunshine Cruz sa non-stop comments na natanggap niya dahil sa napakahusay niyang performance sa Maalaala Mo Kaya last Saturday.  Ngayon lang daw siya nakatanggap ng mga ganitong papuri on her entire showbiz career.

This is the first time na nag-heavy drama ulit si Sunshine sa MMK. Last time she appeared sa longest drama show ni Charo Santos ay more or less 10 years ago according to her.

Very light lang daw ang role niya sa last episode niya noon. “Nakaka-touch kasi for three days non-stop ‘yung comments ng mga tao sa akin. Dire-diretso na sobrang nakakaiyak na ‘yung appreciation nila and I’m very thankful sa MMK for giving me that chance and that role kasi sobrang bigat talaga,” masayang kuwento ni Sunshine sa amin.

Inabot ng tatlong araw ang taping ni Sunshine for MMK. At tatlong araw daw ‘yun na wala siyang taong kinausap. “Kahit kanina may nag-message na naman na ‘I just saw MMK  and it’s really heartbreaking, nakakaiyak.’ Hands-down sa ‘yo at kay Zaijian (Jaranilla).

So, talagang ano, sobrang bongga lang, nakakatuwa, nakaka-touch. “At least kahit papano hindi na nakasentro ang mga tao sa pagiging hot mom-hot mom or sexy mom.

Nakita naman nila this time (‘yung acting) ko,” pahayag ni Sunshine na gaganap namang ina ni Alex Gonzaga sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN na Pure Love.

Hindi nga maka-get over si Sunshine sa saya sa ginawa niya sa MMK kaya naman she can’t wait na makapag-taping ulit siya ng Pure Love habang super inspired siya ngayon magtrabaho.

Naka-six shooting days na raw siya for Pure Love. Nahinto sila dahil nasa loob pa ng bahay ni Kuya si Alex. “Ganoon talaga kung ikagaganda naman ng show. Kumbaga, syempre lalong magiging matunog ang pangalan niya because of PBB.

Para paglabas niya ng PBB maingay na maingay ang name ni Alex, so, okey lang,” lahad pa ni Sunshine. Priority ngayon ni Sunshine ang mabayaran ang utang sa kanyang mommy na pinambayad niya sa bago nilang bahay.

Inutang ni Sunshine sa kanyang mommy ang kalahati ng halaga ng bahay nila ngayon ng kanyang mga anak. At dahil priority ni Sunshine ang pagbabayad ng utang sa bahay at pambayad sa kanyang limang household helps, e, super dedma siya sa mga natsistsimis na nanliligaw daw sa kanya ngayon. ‘Yun na.

( Photo credit to sunshine cruz official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending