HOROSCOPE, June 01, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, June 01, 2014

Madam Sophia - June 01, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tuloy-tuloy na gaganda ang kapalaran, basta’t lagi ka lang mag-madali. Sa pag-ibig at pinansyal, magiging masaya ang relasyon habang patuloy ang pagdating ng maraming salapi. Mapalad ang 4, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Bukod sa dilaw ang blue ay buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) –   Ngayong unang araw ng Hunyo dalawang bagay ang dapat na pahalagahan: Una, mag-ipon ng maraming-maraming pera; At pangalawa, paligahayin ng husto ang bawat miyembro ng pamilya. Sa dalawang layuning ito magkakaroon ka ng meaningful at successful life. Mapalad ang 3, 12, 21, 25, 34, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla.” Red at pink ang buenas.
 Taurus – (April 20-May 20)  – Wag matigas ang ulo! Pagbigyan ang pakiusap ng mga kliyente upang bumilis ang pasok ng pera. Sa pag-ibig panahon narin upang pagbigyan ang malaon ng hinihingi ng kasuyo – romansa espesyal! Mapalad ang 6, 9, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Maroon at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) –   Wag hayaang mamatay ang sigasig. Habang sinisipag, ituloy lang ang pagpapakasipag at pagpaparami ng pera. Sa pag-ibig, habang mainit ang kasuyo, samantalahin mo, bago tuluyang humupa  ang kanyang libido. Mapalad ang 3, 14, 23, 27, 33, at 40, Mahiwaga mong mantra: “Suka-Deva-Om.” Violet at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) –  Matigas na desisyon ang dapat  upang hindi ka malagay sa alanganin. Sa pag-ibig laging sundin ang tinitibok ng puso. Sa pinansyal, isang Capricorn ang maaaring lapitan sa mga panahong kinakapos ng pera. Mapalad ang 5, 14, 23, 29, 32, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Green at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) –  Ang pag-sikat ang tadhana ng mga Leo. Sa pakikisalamuha sa lipunan, makakatagpo ka ng recognition at dagdag na kita. Sa pag-ibig, habang nakikipag-sosyalan, matatagpuan mo ang true love. Mapalad ang 8, 19, 22, 29, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja”. Maroon at gold ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) –   Hindi mo ba napapansin, na naging maganda naman ang pasok sa iyo ng taong 2014? Hindi na dapat maghangad pa, makuntento sa kasalukuyang buhay. Habang kuntento at payapa ang isipan mas marami blessings ang darating. Mapalad ang 5, 14, 19, 26 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Sava-Tasya.”  Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –    Iwasan ang sobrang takaw. Panatiliin ang pagiging sexy at pagiging slim ng katawan upang mas lalo pang gumanda ang kapalaran sa pa-ibig at sa aspetong pang materyal. Mentras sexy ang isang Libra lalo siyang susuwertehin.  Mapalad ang 5, 15, 20, 29, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Blue at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) –   Bagong opportunity sa pagkakakitaan ang mabubuksan – sunggaban mo agad wag kang babagal-bagal. Sa pag-ibig higit na mas masarap ang bagong relasyong dulot ng isang malibog  na Libra. Mapalad ang 8, 19, 27, 38, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Na-Me-Aum-Aum-Name.” Red at violet ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) –   Bago isagawa ang anomang bagay na may kaugnayan sa negosyo mag-isip kang mabuti upang wag na uling malugi. Sa pag-ibig, bago ipagkaloob ang tiwala sa minamahal, isipin mo munang mabuti kung magiging tapat ba siya habang buhay. Mapalad ang 3, 18, 28, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Rama-Krisna-Kirsina”. Lilac at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) –  Blessing in disguise ang magaganap. Ang pagkakabaon sa mga pagkakautang ang magtutulak upang mapilitan kang magpayaman. Sa pag-ibig ang kabiguan ngayon ay hahantong sa mas msarap na romansa sa araw ng bukas. Mapalad ang 5, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Diayanas.” Brown at violet ang buenas.
 Aquarius – (January 20 – February 18) –    Magiging ma-drama ang buhay. Sa pag-ibig, tila nauulit lang ang dating lungkot at kabiguan. Pumirmi ka kasi ng mamahalin, isa alang-alang ang isang Libra. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung wala naman permanenteng kaligayahan? Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Green at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) –   Habang nagiging makasarili may kalungkutang madarama, ganyan talaga ang daan upang yumaman. Sa pag-ibig mahalin ang kaisa-isang nilalang na nagpapahalaga, siya ay isang Cancer. Mapalad ang 1, 15, 23, 25, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Aum”. Yellow at white ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending