Mas gusto ni Nonito Donaire Jr. ang pagiging dehado nito sa pagharap kay World Boxing Association (WBA) featherweight champion Simpiwe Vetyeka sa Sabado sa Macau.
Tatangkain ni Donaire na makuha ang ikaapat na world title sakaling pataubin ang malakas na si Vetyeka. Naging kampeon si Donaire sa flyweight, bantamweight at super bantamweight division pero dehado siya dahil si Vetyeka ay galing sa dalawang sunod na technical knockout wins.
Huling boksingero na lumasap ng matinding suntok sa South African boxer ay ang dating tinitingala na sa WBA na si Chris John na umayaw matapos ang ikaanim na round noong nakaraang taon.
“It’s been a long time since I entered a fight as an underdog but that has inspired me more,” wika ni Donaire sa panayam ni Chris Farina. Alam ni Donaire ang kapasidad ni Vetyeka kaya naman ginagawa niya ang lahat ng paghahanda para maikondisyon ang sarili.
Pangunahing nasa kanyang isipan ay ang manumbalik bilang isang kampeon at magtagal sa itaas ng dibisyon. “I worked hard to achieve what slipped through my fingers last year.
I want to return to where I was in 2012 and go beyond that for the reminder of my boxing career,” dagdag pa ni Donaire. Ang ama at kanyang trainer na si Nonito Sr. ay naniniwala rin na ang dating kinakatakutang Donaire ang makikita sa gabi ng laban.
“I agree with Nonito 100%,” wika ng ama. “This camp we went back to Nonito’s bread and butter — creating mix that combines speed, movement and power.
I have never seen a fighter work harder and totally dedicate himself to his tasks that Nonito did during this training camp.”
Hindi naman nababahala si Vetyeka sa mga pinaggagawa ng tinaguriang Filipino Flash sa kanyang pagsasanay dahil ginagawa rin niya ang dapat para makuha ang panalo.
Binalaan pa niya si Donaire na maging alisto sa laban para hindi matulog sa bakbakan. Ang laban ay handog ng Top Rank at ang dalawang magtutuos ay makikita ngayon sa press conference.
Bukas ang weigh-in at kinabukasan ang gabi ng labanan.
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.