Bossing binastos sa Instagram, Pauleen gumanti pero naduwag | Bandera

Bossing binastos sa Instagram, Pauleen gumanti pero naduwag

Alex Brosas - May 29, 2014 - 03:00 AM


Pinapa-quit na pala ni Vic Sotto si Pauleen Luna sa social media. Kasi naman ay mukhang napapaaway parati si Pauleen dahil na rin sa kapo-post niya ng photos nila ni Vic.

Just recently, hindi napigilan ni Pauleen na mag-react sa comments ng ilang niyang followers sa Instagram. She posted kasi a photo of her and Vic during one of their summer getaways.

Merong isang follower na nanlait daw sa couple. Nagsagutan ang dalawa. Say ng follower, bakit daw dinelete ni Pauleen ang message niya. Ayaw ba niyang mabasa ng iba niyang followers ang mga mensahe niya?

Nag-promise si Pauleen na ibabalik niya ang mga mensahe ng follower niyang iyon na nanglait sa kanila ni Vic. Ang feeling ni Pauleen ay hindi naman talaga siya feel ng follower niyang iyon sa Instagram.

Nagpapanggap lang ‘yon na fan niya pero sa bandang huli ay inilalaglag siya. Nang ipakita nga raw niya ang mensahe ng malditang follower ay pinayuhan siya ni Vic na mag-quit na sa social media.

Ang mas nakakaloka, na-post sa isang popular website ang tarayan nina Pauleen at mahaderang follower. Siyempre, merong nag-comment.

“Take note ha, ang mga haters ni pauleen mga thunders na.. jusko get a life! mas katanggap tanggap pa kung yung haters ng isang artista eh teenager. kaso yang matanda na? hay nako,” mataray na comment ng isang loyal na follower ng website.

“Tatay ba ni Pauleen ang kasama niya?” sarkastikong sabi naman ng isang nang-aasar.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending