Magkano ang retirement pay? | Bandera

Magkano ang retirement pay?

Lisa Soriano - May 28, 2014 - 03:00 AM

SA 2015 ay mag-60 years old na po ang tatay ko na nagtatrabaho bilang inspector sa isang bus company at may 15 years din po siya na nagtrabaho roon.

Pupuwede na po ba siyang magretiro sa pagsapit niya ng edad na 60 at anu-ano pong benepisyo ang maaari niyang makuha sa kanyang employer?
Marco de Guzman
Poblacion I, San Jose, Bulacan

REPLY: Para sa iyong katanungan Marco, ang sinumang manggagawa ay maaring magretiro sa sandaling umabot siya sa edad na 60 hanggang 65 at nakapagserbisyo na ng hindi kukulangin sa limang taon.
Nasasaklaw nito ang lahat ng manggagawa maliban sa mga sumusunod:
a. Mga manggagawa ng pamahalaan;
b. Mga manggagawa na nagtatrabaho sa retail, service at agricultural na establisyemento na palagiang hindi lalampas sa 10 manggagawa ang nagtatrabaho.
May kabuuang halaga sa bayad ng pagreretiro ay katumbas sa kalahating buwang sahod sa bawat taon ng pagseserbisyo, ang katumbas ng hindi bababa sa anim na buwang pagseserbisyo ay dapat ituring na isang taon sa pagtutuos ng bayad sa pagreretiro.
Sa pag-compute ng retirement pay: ang mga kabilang sa kalahating buwang sahod ay bi-nubuo ng mga sumusunod:
1. Labinlimang (15) araw na sahod batay sa pinakahuling salary rate.
2. Katumbas na halaga ng limang araw ng service incentive leave.
3. Ikalabindalawang (1/12) ng 13th month pay. (1/12 x 365/12 = .083 x 30.41 = 2.52)
Samakatuwid, ang “kalahating buwang sahod” ay katumbas ng 22.5 na araw.
Ang COLA naman ay hindi kabilang sa computation ng retirement pay. Illustration: Minimum Retirement Pay = Daily Rate x 22.5 days x number of years in service
Nicon Fameronag
DOLE Director
for Communications
Spokesperson

Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari din po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.

Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending