MIAMI — Makapaglalaro si Paul George para sa Indiana Pacers sa Game 3 ng Eastern Conference finals series ngayon kontra Miami Heat. Ito ay matapos na mabigyan siya ng clearance ng mga independent doctors na sumuri sa kanya.
“Barring any unforeseen complications, he will play today in Miami,” sabi ng Pacers. “George has been cleared to return to normal basketball activity.”
Tumama kasi sa tuhod ni Heat guard Dwyane Wade ang ulo ni George sa isang loose ball play noong Game Two sa Indiana.
Ayon sa NBA rules patungkol sa mga injury sa ulo ay kailangang magpasuri muna at pumasa sa mga doktor ang isang manlalaro bago siya payagang makapaglarong muli.
Hindi naman inasahan ng Heat na mawawala sa Game 3 si George bagkus ay pinaghahandaan na nila ang isang matinding laban ngayon. Tabla ang serye, 1-all.
Samantala, pinag-iisipan naman ng Heat kung paglalaruin nila ang sentrong si Greg Oden ngayon. May iniindang back injury si Oden ngunit nagpahiwatig ito ng kahandaang maglaro sa Game 3.
Kung makapaglalaro si Oden ay makakatapat niya ang higante ng Pacers na si Roy Hibbert. Huling naglaro sa Playoffs si Oden noon pang Abril 30, 2009.
“If coach needs me, I’m ready to play,” sabi ni Oden. “I’m definitely ready whenever he needs me.”
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.