Maegan ipinagyabang na ‘inutil’ sa gawaing-bahay | Bandera

Maegan ipinagyabang na ‘inutil’ sa gawaing-bahay

Cristy Fermin - May 25, 2014 - 03:00 AM


Nakakalungkot naman ang mga katwirang pilipit ni Maegan Aguilar. Parang utang na loob pa ngayon ng kanyang magulang ang kaginhawahang ibinigay nito sa kanilang magkakapatid habang sila’y lumalaki.

Sukat ba namang isumbat pa niya na lumaki raw silang de-maid, lahat ng kaginhawahan ay ibinigay ni Freddie Aguilar sa kanila, ano raw ba ang nalalaman niya sa trabahong kusina para sisihin siya sa pagkabulok ng mga makasaysayang gulay sa kanilang refrigerator?

Bilang magulang, para sa amin ay hindi magandang katwiran ang ibinibigay ni Maegan, sa edad niyang treinta’y singko na ngayon, siguro nama’y alam niya rin sa kanyang sarili na hindi habambuhay na nasa mundo ang kanyang ama para gawin siyang saklay sa lahat ng kanyang mga pangangailangan.

Sa edad niya ngayon, dapat ay alam na niyang mamuhay nang sarili, hindi ‘yung nakasunod pa rin siya sa pundilyo ng kanyang ama. Para sa kanya rin namang kinabukasan ang disiplinang ipinasusunod sa kanya ni Ka Freddie.

Isumbat pa bang wala siyang kaalam-alam sa mga gawaing-bahay, kaya bakit ipaaako sa kanya ngayon ang pamamahala sa kusina, mas pilipit pa sa bagong pilipit na sinampay ang katwiran ng babaeng ito.

Makapangatwiran lang, kahit ano na lang yata ay puwedeng gawin at sabihin ni Maegan, meron pa siyang pahayag na pinagsisisihan niya na si Ka Freddie ang naging ama niya.

Mabait lang talagang tatay ang musikero para palampasin ang mga negatibong komento ng kanyang panganay na anak, pero kung katulad din ni Maegan ang tubo ng dila ng kanyang ama ay napakasarap sabihin din ni Kaka na kung ganyan naman ang klase ng anak na magkakaroon ang isang magulang, sana’y hindi na siya isinipot sa mundong ibabaw. Sa totoong-totoo lang.

( Photo credit to maegan aguilar official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending