Claudine nakipagbati kay Tulfo para patayin sa galit si Raymart | Bandera

Claudine nakipagbati kay Tulfo para patayin sa galit si Raymart

Ervin Santiago - May 24, 2014 - 03:00 AM


TALAGANG iniinis ni Claudine Barretto ang dating asawang si Raymart Santiago. E, kasi nga, bigla itong nakipag-ayos sa dati nilang kaaway – ang isa sa Tulfo brothers na si Raffy.

Siguro naman sariwa pa sa mga isip ninyo ang nangyaring iskandalo noon (2012) sa airport kung saan pinagtulungang bugbugin ng grupo nina Claudine at Raymart ang utol ni Raffy na si Mon Tulfo, isa sa mga nirerespeto pero kinatatakutang koluminista natin dito sa BANDERA.

Kahapon, kumalat nga sa social media ang larawan nina Claudine at Raffy, kuha raw ito ng aktres at agad na ipinost sa kanyang Instagram account. Nilagyan ito ni Claudine ng caption na: “Peace.

Had a nice afternoon with you po, Sir Raffy Tulfo. God bless po @ferdietopacio.” Makikita rin sa nasabing litrato ang abogado ni Claudine na si Atty. Ferdinand Topacio, at isang hindi kilalang babae.

Parang gustong palabasin ni Claudine na si Raymart na lang ang kalaban ngayon ng Tulfo brothers dahil nakipagbati na nga siya sa isa mga ito.

Pero ayon sa ilang netizens, halatang kaplastikan daw ang pakikipagbati ng ex-wife ni Raymart kay Raffy. Kitang-kita raw nila ito sa nakakalokang “smile” ni Claudine.

Kung kilala raw nila talaga ang aktres, alam nilang bahagi pa rin daw ito ng kanyang kadramahan para asarin at galitin si Raymart.

Pero in fairness, meron namang followers si Claudine sa social media ang nagsabi na maganda ang ginawa ng aktres, dahil tinapos na niya ang hidwaan nila ng Tulfo brothers.

Pero sana raw, unahin na muna niyang ayusin ang problema nila ni Raymart dahil ang kanilang mga anak ang kawawa sa kanilang lumalalang sitwasyon.

Pero ang tanong, si Kuya Mon Tulfo kaya, willing makipagbati kay Claudine?

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending