Popsters ni Sarah todo ang suporta kay Coco
KUNG tinawag dating universal leading man si Derek Ramsay ay puwede na ring tawaging universal leading lady ng local showbiz si Sarah Geronimo dahil kahit na sinong artistang lalaki na itambal sa kanya ay talagang sinusuportahan ng mga manonood.
Yes bossing Ervin, dahil after Rayver Cruz, Gerald Anderson at John Lloyd Cruz ay heto’t ipinartner naman siya kay Coco Martin sa pelikulang “Maybe This Time” ng Star Cinema at Viva Films sa direksyon ni Jerry Sineneng, showing in May 28.
Nabalitaan namin na tanggap na tanggap ng loyalistang fans ni Sarah si Coco, sa katunayan ay nagpa-block screening na sila ng “Maybe This Time” sa Podium cinema 1 at 2, at sa Robinson’s Galleria cinema 7 sa Mayo 31, Sabado.
Kaya bukod sa Sarah-Lloydie fan clubs ay bumuo na rin sila ng CoSa (Coco at Sarah) kaya sobrang nagpapasalamat ang aktor dahil suportado rin siya ng mga Popsters at pinatunayan nga nila ito sa nakaraang presscon ng “Maybe This Time”.
Sa mga gustong masilayan sina Coco at Sarah nang personal ay puwede ninyo silang puntahan sa mall shows ng “Maybe This Time” sa sabado sa SM Fairview, 3 p.m.; SM San Lazaro Manila, 5 p.m.; at sa Lucky Chinatown (Binondo), 7 p.m..
Meron din silang meet and greet sa Linggo, nasa Aling Puring’s Puregold si Coco sa World Trade Center ng 10 a.m., diretso sa ASAP 19 para sa production number nila ni Sarah at pagkatapos ay rarampa naman sila sa 20th Star Magic fashion show anniversary. Meron din silang pre-taped interview sa The Buzz na susundan pa ng kanilang appearance sa Glorietta Activity Center at Ayala, Alabang.
Samantala, trending pa rin ngayon ang mga dialogue ni Sarah sa movie na, “There was never an US. There will never be an US. At please lang, huwag mo na akong landiin!” Komento ng ilang Popsters, mukhang ito raw ang naging dialogue noon ng dalaga kay Gerald noon. He-hehehehe!
May nagbiro nga na kung sakaling ma-in love sina Sarah at Coco sa isa’t isa ay baka maulit ang suntukan nina Coco at Matteo Guidicelli, ang rumored boyfriend nga ng Pop Princess. Hindi ba’t naging isang malaking isyu noon ang engkwentro nina Coco at Matteo nang dahil kay Maja Salvador?
At ngayon nga, ang lalaking na-link noon kay Sarah na si Gerald ay boyfriend ngayon ni Maja. Ikot-ikot lang ang nangyari, di ba?
In fairness naman kay Coco ay talagang hindi naman niya nilalandi si Sarah dahil pagkatapos ng mga eksena nila sa “Maybe This Time” ay lumalayo raw siya agad sa singer-actress dahil baka nga naman matsismis pa sila.
Samantala, hindi itinago ni Coco sa mga bossing ng Star Cinema na hindi siya fashionista kaya siya na mismo ang nagsabi na bakit hindi nila ipakita sa “Maybe This Time” ang tunay na Coco Martin na isang jologs, pati na rin ang mga kakulangan niya bilang tao.
Timing naman daw na ang magiging papel ni Sarah sa pelikula ay isang public relations officer na babaguhin ang pagkatao ni Coco from jologs to boy next door. Pati raw ang problema ng aktor sa pagsasalita ay ginamit na rin sa pelikula. Isa raw ito sa mga highlights ng movie kaya tiyak daw na magiging usap-usapan ito ng publiko.
Anyway, curious ako sa tambalang Coco at Sarah kaya panonoorin ko ito sa first day bossing Ervin at promise, hindi ko gagamitin ang MTRCB deputy card ko, huh! Pero ask pa rin ako ng passes para sa mga manghihingi sa amin. Keribels po ba Mico del Rosario? He-hehehe!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.