Lola ni Deniece gustong makaganti sa abogado ni Vhong, nagdemanda na rin
May mga kababayan na sana tayong nagbibigay-simpatya kay Deniece Cornejo dahil sa sitwasyon niya ngayon, sa totoo lang, gaano ka man kagalit sa isang tao ay medyo nababawasan ‘yun kapag meron nang nangyaring hindi kagandahan tungkol sa kanya.
Pero nabawasan na naman ‘yun dahil sa kanyang Lola Florencia. Walang pumipigil sa kanyang lola para makipaglaban, dugo at laman siya ng matanda, walang makakukuwestiyon sa pagmamahal ni Lola Florencia sa kanyang apo.
Sa pagdinig ng kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa grupo ng dalaga ay nandu’n ang lola ni Deniece. Ang suot nitong t-shirt ay makaagaw-pansin, dahil ang nakasulat du’n, “Justice for Deniece! Jail the rapist!”
Wala namang pangalan ni Vhong sa t-shirt, pero kahit naman siguro uhuging bata ay makakatumbok na ang actor-dancer ang tinutukoy nito, pero hinayaan lang ‘yun ni Vhong.
Pero ayon kay Lola Florencia ay tinabig daw ito ni Vhong at ng abogado ng aktor, kaya ang pinakahuling senaryo, kinasuhan ni Lola Florencia ng grave coercion ang kanilang mga kalaban.
Sabi ng isang kaibigan namin, “Wala kayang puwedeng makiusap at magsabi sa lola ni Deniece na manahimik na lang? Of course, wala namang makapipigil sa suporta niya sa apo niya, pero puwede kayang bawasan naman ni Lola Florencia ang pagpapakita niya ng suporta kay Deniece?
“Nakakaawa kasi ang apo niya, hindi naman kasi ang lola ang napapasama, kundi si Deniece. Ayan tuloy, bina-bash na naman siya sa social media. Sana naman, alam ng lola ni Deniece ang tama niyang lulugaran,” komento ng aming kausap.
( Photo credit to deniece cornejo official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.