Gusto mo ba ng trabaho? Baka gusto mong magpulis?
NANGANGAILANGAN ang Metro Manila police force ng bagong pulis. Ayon kay Superintendent Robert Domingo, spokesman ng National Capital Region Police Office (NCRPO), na nangangailangan sila ng 9,000 bagong pulis dito sa Metro Manila para sa taong ito.
Simula nang manawagan sila noong Marso, ayon kay Domingo, tanging 3,500 pa lamang ang nag-apply at hindi pa umano sila nakatitityak na ang lahat ng ito ay makapapasa.
Sa kanilang panawagan noong Maso, ang kwalipikasyon para sa mga nasi maging pulis ay ang mga sumusunod: Filipino, edad 21 hanggang 30, college graduates, merong certificate of good moral character mula sa kanilang mga paaralang pinasukan.
Kailangan din ay pasado kahit isang eligibility exam kung hindi man sa National Police Commission ay Professional Regulation Commission o kaya ay Civil Service Commission.
Lalaki at babae ang hinahanap na bagong pulis. Gayunman, ang aplikanteng lalaki ay kailangan ay may taas na 5.31 feet (1.62 meters) habang ang babae ay 5.15 feet (1.57 meters).
Hindi rin dapat sosobra o bababa sa limang kilo ang timbang base sa ideal weight ng isang aplikante. Maaaring isumite ang kanilang accomplished PO1 Recruitment Application forms, na maaaring i-download mula sa Philippine National Police website, sa pinakamalapit na police district Personnel and Human Resource Development Division (DPHRDD).
( Photo credit to inquirer news service )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending