Anak nilaslas ang leeg; litrato inilagay sa FB
TINUPAD ng isang mister ang kanyang banta sa misis na papatayin ang kanilang anak kung hindi uuwi ang huli mula sa Canada.
Nilaslas ang leeg at pinagsasaksak ni Mark Alvin Manliclic, 35, ng Aquino st., Brgy. Sta. Lucia, ang kanyang pitong-taong-gulang na anak na babae sa loob ng kanilang bahay, ayon sa pulisya.
Nag-usap umano sa telepono ang suspek at ang kanyang misis na nagtatrabaho sa ibang bansa. Pinauuwi na ng suspek ang misis at nagbanta na papatayin ang kanilang anak kung hindi babalik ng Pilipinas.
Nabatid na nagpaalam lamang ang misis ni Manliclic na uuwi ito sa probinsya upang dalawin ang kanyang mga magulang pero sa Canada ito nagpunta para magtrabaho.
Alas-3 ng umaga kahapon ay umuwi ang lasing na suspek at ginising ang kanyang natutulog na anak upang isagawa ang krimen. Pagkatapos ng insi-dente ay nakuha pang i-post sa Facebook ng suspek ang larawan ng anak na ginilitan.
Isasailalim sa drug test ang suspek upang malaman kung gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot. Kasong parricide ang isasampa ng pulisya laban sa suspek na sumuko sa mga rumespondeng pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.