Gutierrez family ‘superstar’ ang level sa Singapore
Magsisimula na ang It Takes Gutz To Be A Gutierrez. Three days mananatili this week ang pamilya Gutierrez sa Singapore dahil sa imbitasyon ng NBC Universal, ang namamahala ng E! channel sa Asia.
May kinalaman sa promotions ng reality TV show nila na It Takes Gutz to be a Gutierrez na magsisimula this June 1, 9 p.m. (Skycable channel 57, Cablelink channel 33 at Cignal Cable channel 25).
Even our favorite E host Jason Kennedy has been promoting this nonstop sa E News. Noong unang sabihan ng representatives ng E! si Ms. Annabelle Rama na kailangan nilang pumunta nina Eddie, Ruffa, Richard at Raymond Gutierrez ng Singapore, naisip kaagad nito ang matinding gastos na naman, kaya balak sana niyang magpahanap ng mura-murang airline tickets at budgeted hotel para makatipid sila as co-producers sila at ang TV 101 ng Mega Group of Companies ng nasabing reality TV show.
Nagulat na lang si Annabelle nang matanggap mula sa mga taga-E! ang kanilang airline tickets. Puro business class at sa bonggang hotel din daw sila ilalagay sa Singapore, all-expense paid.
Ang lalong ikinagulat ni Annabelle, may kanya-kanyang glam team na ia-assign sa kanila. Nalula raw si Annabelle sa sobrang importansiyang ibinibigay sa kanila ng mga taga-NBC Universal.
Nakakalula rin daw ang iba’t ibang promotional activities na inihanda ng mga taga-NBC Universal para sa kanyang pamilya para sa kanilang reality TV show. Sa unang araw raw nila sa Singapore ay may panel.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.