Anne Curtis magpapahipo naman sa susunod na Concert sa Araneta
NAPANOOD ko sa internet ang video ng opening number ni Anne Curtis during her “AnneKapal” concert na ginanap sa Araneta Coliseum last Friday. Part lang iyon ng 20-minute opening number pero ako ang nalula sa pinaggagawang ni Anne.
Grabe! Ni sa hinagap ay hindi ko maisip kung makakaya ko yung act na iyon even during my younger years. Ibang klase ang hirap – it was truly death-defying. Believe me!
Sirko-to-death siya on air habang naka-harness – nilibot talaga niya ang buong coliseum sa act na iyon. It was truly hard. Performer ang dating ni Anne doon.
“Iyan ang napapala ng mga non-singers na nagku-concert. Kasi nga novelty naman ang dating ni Anne kaya oks lang sa public. Hindi naman siya nagpi-pretend na magaling na singer – she admits that she is not a singer – passion niya lang daw iyon. Kumbaga, trip-trip lang.
“Kaya hayan, sa mga katulad niya na hindi naman talaga marunong kumanta, idinadaan lahat sa kung anu-anong act. Kesehodang ikamatay nila halos ay gagawin nila para merong bagong mapanood sa show nila.
Kasi, kung singer ka talaga, puwede na yung mag-emote ka lang silently sa stage – dadaanin mo ang lahat sa musicality. Pero sa katulad ni Anne, dadaanin lahat sa gimik para may manood sa kaniya.
“Sa susunod siguro niyang show ay maghuhubad na iyan para meron na namang bago. Baka gayahin niya si Miley Cyrus na magpapahipo while performing onstage. Ha-hahaha!” ang napakamalditang sabi ng isang kaibigang bading.
In fairness naman kay Anne, hindi naman trying hard ang dating niya kahit saliwa talaga ang boses. Cute kasi siyang magdala and wala siyang pretensiyon.
May class naman siya compared kay Miley Cyrus, ‘no! Hindi gagawin ni Anne iyon deliberately, pero malay mo – knowing how daring Anne is sometimes, baka may gagawin iyan sa next show.
Pero hindi naman siguro to the point na magpapahawak siya ng tienes niya. Hindi ganoon si Anne. She’s just so cute. Ha-hahaha!
Kitang-kita sa video na punumpuno ang Araneta Coliseum. Dami talagang fans ni Anne, being the number one local female artist sa social media, malamang that her popularity was translated into sales.
Tabo sa takilya na naman ang Viva Concerts. Galing nilang magbenta ng show. Hanep sa marketing. Kudos!
( Photo credit to anne curtis official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.