Pauleen sa wedding nila ni Vic: Paano ako ikakasal, e, wala pang proposal! | Bandera

Pauleen sa wedding nila ni Vic: Paano ako ikakasal, e, wala pang proposal!

Ervin Santiago - May 19, 2014 - 03:00 AM

HINDI pa rin nagpo-propose si Bossing Vic Sotto kay Pauleen Luna kaya wala raw magaganap na kasalan anytime soon. Ito kasi ang paulit-ulit na itinatanong sa actress-TV host ng press, at paulit-ulit lang din ang kanyang sagot.

Marami kasing dabarkads ang naghihintay kung si Poleng na nga ang babaeng pakakasalan ni Bossing pagkatapos ng maraming taong pagiging single.

Sa kabila kasi ng mga babaeng naugnay kay Vic, wala itong pinakasalan kahit isa. Kaya ngayon binabantayan ng publiko kung si Pauleen na nga ang maswerteng babaeng magiging Mrs. Vic Sotto.

“Paano naman ako ikakasal, e, wala pa namang proposal. Kita niyo naman, wala pa akong singsing na suot,” natatawang chika ni Pauleen nang makachika ng ilang members ng entertainment media sa taping ng afternoon series nila sa GMA na The Borrowed Wife na malapit na ngang magtapos.

“Kung meron na, siyempre isusuot ko yun, ‘di ba? Kaso wala pa nga kaya wala pang kasalan na magaganap,” dagdag pa ng aktres.

Sey pa ni Poleng, sa ngayon daw ay wala pa talaga silang napag-uusapan ni Vic tungkol sa wedding, basta ang mahalaga, nag-eenjoy sila sa bawat minutong magkasama sila. At maligaya siya sa piling ng kanyang boyfriend.

“Ang masasabi ko lang na sigurado ako ay masaya ako—I’m happy with my life now kasi masaya ang lahat ng tao na nasa paligid ko. I’m especially happy with my relationship with Vic.

It all came at the right time and I thank God for making it all right for both of us. “Wala na siguro akong mairereklamo pa. I just want to live this moment—make the most out of it. Nandiyan na kasi, e.

Kaya happy lang tayo parati sa lahat,” hirit pa ni Pauleen. Samantala, sa nalalapit ngang pagtatapos ng The Borrowed Wife sa Afternoon Prime ng GMA mula Lunes hanggang Biyernes, napakarami pa raw kailangang abangan ng mga manonood, “Since we started last January, naging maganda ang takbo ng show namin.

We are consistently getting good feedback from televiewers. Kapag may regional shows kami, kilala nila ang characters namin at kung ano ang nangyayari sa story.

“Kaya sa pagtatapos ng The Borrowed Wife, marami ang mangyayari. May mangyayaring pagbabago sa katauhan ng character kong si Tessa. May inakala kaming namatay pero buhay pala,” kuwento ni Poleng.

Natanong din si Pauleen kung ano ang gusto niyang role sa susunod niyang serye, “Kung meron man, yun nga, ang gusto ko sana ay yung magaan naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sobra na ang pagda-drama ko sa The Borrowed Wife, e. Napagod kaming lahat. Feel ko sana next ay light drama or romantic-comedy. Okey naman na kontrabida pa rin, pero yung magaan-gaan naman.”

( Photo credit to vic sotto official fan page )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending