Kim pinahihirapan si Xian Lim | Bandera

Kim pinahihirapan si Xian Lim

- January 10, 2012 - 01:58 PM

Ayaw pang sagutin, gustong makasiguro

At siyempre, mas lalo kaming nabingi at halos mawalan na ng ulirat (mawalan talaga ng ulirat, ha! Ha-hahaha!) nang lumabas na sa stage ang phenomenal loveteam ng My Binondo Girl – sina Kim Chiu at Xian Lim.

Grabe! Para talagang nabasag ang aming eardrum dahil sa pagwawala at pagsisigawan ng mga fans nina Kim at Xian. Du’n namin napatunayan na talagang naka-jackpot ang ABS kina Xian at Kim.

Sino ba naman kasi ang mag-aakalang papatok sa masa ang kanilang tambalan? Kaya nga say ni Xian, “Nagpapasalamat po ako sa fans ni Kim dahil tinanggap nila ako bilang partner niya.

Grabe po talaga ‘yung ipinapakita nilang pagmamahal sa amin.” Tungkol naman sa tunay na estado ng relasyon nina Kim at Xian, feeling namin may inililihim talaga ang dalawa.

Hindi man nila aminin, kitang-kita na may namamagitan ng something sa kanila.

Ibang-iba ang kanilang tinginan at ang mga paghampas-hampas ni Kim sa balikat ni Xian ay may ibang dating sa amin, ha!

Kung open na open si Xian sa pagsasabing super special si Kim sa kanya, puro hagikgik naman ang sagot ni Kim sa tanong kung may feelings din siya sa kanyang partner.

Pero hindi man sagutin ng diretso ng aktres ang tanong kung sila na ni Xian, feeling ng kanilang fans – sila na nga! O, pwede rin namang totoong nanliligaw pa lang ang aktor kay Kim at baka pinahihirapan lang siya ng dalaga dahil nga gusto nitong makasiguro kung siya na ba ang tamang lalaking ipapalit niya kay Gerald Anderson.

Anyway, two weeks na lang mapapanood sa Primetime Bida ang My Binondo Girl, at kung sa tingin n’yo ay okay na ang sitwasyon ng lahat, wait n’yo raw ang mga susunod na eksena dahil marami pa raw silang pasasabugin sa mga huling episode ng serye, lalo na ang isa pang leading man ni Kim na si Jolo Revilla.

‘Yun na! By the way, nakisaya rin sa Grand Fans Day ng My Binondo Girl sina Gina Pareño, Ricardo Cepeda, Simon Ibarra at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending