GOOD am po dok,Im shane Amonte of Calamba, laguna, 23, years old,. Ako po ay may body odor na nagpapawis lagi kilikili ko mula pa po nung 21 years old ako. Magkano po ba magpasurgery kasi po kahit ano na ginagamot ko ganon pa rin po. Wait ko po ang sagot ninyo, salamat po doc.
Dear Shane:
Ang “focal hyperhidrosis”, ay ang labis na pagpapawis sa isang parte ng katawan lamang gaya ng kilikili. “Emotional sweating” ang tawag dito. Malaking impluwensya ang “stress” at ang pagtugon mo sa “stress”.
Nagiging mabaho lang ang kilikili kapag nakulob ang pawis at mayroong impeksyon. Ang unang hakbang ay ang “hygeine”, panatiliing malinis ang kilikili. Gumamit ng “roll-on antiperspirant”, uminom ng antibiotic (dalacin c 300MG ONE A DAY FOR 2 WEEKS). Maaring magamit din ang “botox injections”. hindi mo pa kailangan ng “surgery” kung makakayanan mong ayusin ang “psycho-emotional status” mo.
Maaari po bang uminom ng Vitamin B complex ang taong may maintenance katulad ng elanapril 5mg, atovarstatin 80mg at amlodipine 5mg at pati na rin po ang aspirin 80mg. Thank you po. — ….9476
Wala naman bawal sa pag-inom ng Vitamin B Complex habang umiinom ng maraming gamot. Ang epekto lang ay ang Gastric Irritation na maidudulot ng paginom ng napakaraming gamot. Mayroon kang Hypertension, Hyperlipidemia at Stroke potential base sa mga gamot na iniinom mo. Ikaw ba ay overweight and overfat? Overstressed? Sedentary? Smoker? Alcoholic?Unforgiving? Magandang solusyunan ang mga problemang nabanggit para tuluyan makaiwas sa mga sakit.
Doc, paano po ba malalaman na nakulam ka? Salamat po. — …. 3737
Ang kulam sa aking pananaw ay ang pagsuklob at pangingibabaw ng negatibong enerhiya sa isang tao (Physical Soul-MIND) na kulang sa positibong enerhiya.
Ang dahilan nito ay ang desisyon ng kaisipan na mag-ipon ng mga negatibong pag-iisip (negative thoughts), negatibong damdamin (negative emotions), kakulangan ng paniniwala sa Diyos, at ang pagbibigay ng oportunidad sa kasamaan na mangibabaw kaysa sa kabutihan (opening to evil temptations).
Malalaman mo na nakulam ka kung ikaw ay nawawalan ng kusang pag-iisip, sinapian ka na kung saan ang iyong pag-iisip at pag-uugali ay wala sa rason (irrationality).
Sa mga taong may talentong makaramdam ng enerhiya, positibo man o negatibo, (Psychic, Seer, Healers, Exorcist etc), madali lang malaman kung may kulam o wala.
Ang kakulangan ng kaalaman ay madalas na humahantong sa paghuhusga na ang tao ay kinukulam. Mali ang paghuhusga na ito dahil nawawalan ng pagkakataon na gamutin ang pisikal at “psycho-emotional” status ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.