Marjorie di na nakapagpigil, sinopla si Claudine | Bandera

Marjorie di na nakapagpigil, sinopla si Claudine

Cristy Fermin - May 14, 2014 - 03:00 AM


Hindi na talaga makagaganda para kay Marjorie Barretto ang basta manahimik na lang ngayon sa mga patutsadang ibinabato laban sa kanya ng nakababata niyang kapatid na si Claudine.

Kung dati’y si Gretchen lang ang inuupakan ng kanilang bunso, ngayon ay matitindi na rin ang mga kaangasang ipinakikita ni Claudine laban kay Marjorie, kaya tama lang ang ginawa niyang pagbibigay ng reaksiyon sa mga patutsada ng nakababata niyang kapatid.

Maraming sama ng loob si Marjorie kay Claudine, isa na ru’n ang sinasabi nitong pagtatago raw niya sa kanyang mga anak para makasama ni Claudine, idinidiin ni Claudine na ito ang nagpalaki sa mga anak nina Dennis Padilla at Marjorie.

Isang ilusyon ang sinasabi ni Claudine, giit naman ni Marjorie, dahil kahit minsan ay hindi naman nagtangka ang nakababata niyang kapatid na hiramin ang kanyang mga anak.

Nilinaw rin ni Marjorie na ang insidenteng ikinagagalit ni Claudine nu’ng magdala sila ng doktor at ambulansiya sa bahay nito at ni Raymart Santiago dahil sa pakiusap ng kanilang mga magulang, tumawag kasi ang isang kasambahay ni Claudine at nagsabing ininom nitong lahat ang mga gamot na palagi nitong iniinom para lang ito maging payapa.

Hiling ni Marjorie na sana’y aminin din ng kanilang mga magulang ang katotohanan, malasakit lang ang para sa kanila ni Gretchen, ayaw nilang magkapatid na mamatay ang kanilang bunso.

Nakakalungkot ang ganitong sitwasyon. Sa publiko pa ibinubuyangyang ni Claudine ang away nilang magkakapatid, wala namang pamimilian sina Marjorie at Gretchen kundi ang magbigay ng reaksiyon, dahil ang paulit-ulit na kuwentong-kutsero ay nagiging totoo na para sa ibang tenga kapag lagi nilang naririnig.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending