True ba, Ruffa pinag-aawayan ng kambal na sina David at Anthony Semerad? | Bandera

True ba, Ruffa pinag-aawayan ng kambal na sina David at Anthony Semerad?

Ervin Santiago - May 11, 2014 - 03:00 AM


HINDI totoong nagkaroon ng samaan ng loob ang celebrity models and twins na sina David at Anthony Semerad nang dahil kay former Miss World Philippines Gwendoline Ruais. Si Gwen ay girlfriend ni David at napapabalita ngang engaged na ang dalawa.

Sa presscon na ibinigay ng Cosmo Cee, isang Vitamin C product mula sa Bergn Farmaceutici Phils. Co., sa kambal, nilinaw nila ang nasabing isyu.

Ayon kay David, walang bahid ng katotohanan ang balitang umalis sa bahay nila si Anthony dahil hindi ito boto kay Gwen.
Totoong magkahiwalay na ng tirahan sina David at Anthony pero mutual decision raw ‘yun at hindi dahil sa isang babae.

Paliwanag ni Anthony, magkaiba sila ng tirahan ngayon ng kanyang kakambal dahil magkaiba na rin ang schedule ng kanilang mga trabaho at bilang pagrespeto na rin sa kanilang privacy.

Ayon kay Anthony, hindi totoong hindi siya boto kay Gwen, kung sino raw ang gusto ng kanyang kapatid at kung nakikita naman niya itong masaya, susuportahan niya ang kakambal.

Ang mahalaga raw sa kanya ay happy si David kay Gwen. Kasabay nito, dinenay naman ni David na malapit na silang ikasal ni Gwen, going stronger ang relasyon nila ng former beauty queen pero wala pa sa plano nila ang lumagay sa tahimik.

Napapanood din ang kambal sa Celebrity Dance Battle ng TV5, kasama nila sa show si Lucy Torres-Gomez at mukhang enjoy na enjoy naman ang dalawa sa pagiging bahagi ng nasabing programa.

Tinanong sila kung gusto rin nilang i-try ang acting, sagot ni Anthony, kailangan pa raw nilang mag-aral ng kanilang Tagalog para mas marami silang matanggap na roles.

Nakakahiya naman daw kasi na English lang ang alam nilang lengguwahe. Gusto rin daw kasi nilang mapalapit sa masa.
Nilinaw din ni Anthony ang lumabas na balita dito sa Bandera tungkol sa pangongotong sa kanilang magkapatid ng ilang kalalakihan na nagpakilala bilang pulis.

Naganap ang insidente last week  pagkatapos ng basketball game ng team nila sa Smart Araneta Coliseum. Ayon sa binata, humihingi ng pera ang nasabing grupo pero hindi sila nagbigay.

Pagkatapos daw ng kanilang usapan, hindi na rin daw sila inabala ng mga nagpakilalang pulis. Buti na lang daw at hindi sila nagpasindak sa mga ito dahil baka raw kung nagbigay sila ng pera ay baka sila pa ang napasama.

Tungkol naman sa chika na niligawan daw ng kambal si Ruffa Gutierrez, hindi rin daw ito totoo, parang kapatid lang daw ang turingan nila, pero siyempre, nandu’n pa rin ang paghanga nila sa kagandahan at katapangan ng aktres.

Samantala, isang taon na palang endorser ng Cosmo Cee Vitamin C sina David at Anthony Semerad pero first time silang ihinarap sa press sa pamamagitan nina Niño Bautista at Red Gatus.

In fairness, pareho namang magalang at marespeto ang kambal kaya tuwang-tuwa ang entertainment media sa kanila.
Sey pa ng dalawa, matagal na silang nagte-take ng Cosmo Cee, at naniniwala sila sa powers ng nasabing produkto, naging bahagi na raw ng sistema nila ang pag-inom nito.

At feeling nila, ito rin ang dahilan kung bakit lagi silang on the go at laging game sa kahit anong hamon ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to ruffa gutierrez official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending