Kim-Xian tinalbugan na ang ‘Kimerald’ | Bandera

Kim-Xian tinalbugan na ang ‘Kimerald’

- January 08, 2012 - 02:46 PM

GRABE ang tambalang Xian Lim at Kim Chiu dahil kaliwa’t kanan ang natatanggap naming mga mensahe mula sa fans na hindi namin talaga alam kung saan nanggaling.

Parang tinalo na nila ang Kimerald sa sobrang dami at nagpahayag na sana’y magkaroon ng extension ang My Binondo Girl at sana bigyan naman sila ng pelikula ng Star Cinema.

Kaya naman ngayong araw, Linggo ay taos-pusong magpapasalamat sina Kim at Xian sa lahat ng mga sumuporta sa My Binondo Girl sa pamamagitan ng isang grand fans’ day na gaganapin sa SM Sky Dome, Q.C., 4 p.m. Simula 10 a.m. ay maaari nang makakuha ng tickets ang Jandy fans matapos bumili ng Star Records digicard ng “Sino Ako”, ang soundtrack ng teleserye.

Huwag palampasin ang pagkakataong makasama sina Kim, Xian, at ang iba pang members ng cast ng My Binondo Girl at patuloy pa ring tutukan ang mga kapana-panabik na pagbabago sa mga puso at buhay ng mga karakter sa nasabing primetime series ng ABS.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending