DEAR Madam,
Sumulat po sa Aksyon Line dahil nais ko pong humingi ng tulong. Ako po ay si Daisy Gonzales at kasalukuyang nasa 4th year high school special section.
Nakatira lang po ako kasama ng mga magulang ko rito sa Penino st., Calinan, Davao City. Ang hanap buhay ng akong magulang ay nagtitinda ng mumurahing damit dito sa sidewalk ng palengke.
Ang puhunan nila ay hiniram lang sa isang kooperatiba na 5/6 lending. Sa ngayon po ay napakahina ng benta ng aking mga magulang at kapag may project po ako ay lumalapit po ako sa aking tiya na tulad din namng sidewalk vendor.
Sa sitwasyon po namin ngayon ay nakikita kong di ako makakapag-aral ng kolehiyo.
Dahil po sa kakulangan ng panggastos ng aking mga magulang. Ito ang dahilan kung bakit naiisip ko na humingi ng tulong po sa inyong Aksyon Line.
Nais ko po sanang mabigyan ng kaginhawaan ang aking mga magulang at ito’y magagawa ko lang kung makakapagtapos ako sa isang kursong pangkolehiyo. Sana po ay mailapit ninyo po ako.
Sa inyong mga koneksyon upang matupad ang aking mga pangarap.
Hanggang dito na lang po at umaasa sa inyong mabuting kalooban at nawa ay pagpalain kayo ng Poong Maykapal. Maraming salamat po.
Daisy A. Gonzales
REPLY: Para sa iyo Daisy ay nakipag-ugnayan na ang Aksyon Line sa mga kinauukulan at para matulungan ka sa iyong kahilingan sa iyong pag-aaral o kaya mabigyan ka ng scholarship sa pribado man o sa gobyerno.
Sa pamamagitan din ng paglalathala ng iyong liham ay inaasahan natin na maraming may mabuting kalooban ang hindi mag-aatubuli na tulungan ka lalo’t may determinason kang mag-aral sa kolehiyo at makapagtapos ng kursong iyong kukuhanin para sa iong kinabukasan.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.