Kris siguradong mang-aagaw na naman ng eksena sa pagbisita ni Obama
YES, ngayong araw daw ang state visit ni U.S. President Barrack Obama sa Pilipinas at siyempre, may bonggang dinner ang Malakanyang for him kung saan ay imbitado ang ilang mga malalaking personalidad sa bansa.
Lahat sila ay aligaga kung ano ang isusuot sa napakalaking okasyong ito. If I’m not mistaken ay first time na bibisita si Obama dito sa atin.
“Ano kaya ang gagawin ni P-Noy sa mga squatters na kapaligiran? Tatakpan ba nila ito ng mga anik-anik para hindi makita ng pangulo ng Amerika? Balita kasing iki-clear ang kalangitan sa pagdating ni Obama – walang puwedeng makisabay sa kaniya sa ere hanggang sa siya ay makapag-land sa Pilipinas. Nakakaloka, di ba?
“Pati langit ay kailangang cleared para hindi maantala ang pagdalaw ng pangulo ng Amerika sa ating bansa. Protocol daw iyon. Pero kapag ang pangulo natin ang dadalaw sa ibang bansa, kesehodang magrambulan ang lahat ng eroplano sa ere ay wala silang paki.
Pero pag sila ang dumating, lahat kailangang maayos,” kuwento ng isang kaibigan. Isa raw si Mother Lily Monteverde sa imbitado sa state-dinner na iyon sa Malakanyang.
Nagpatahi yata si Mother ng bagong gown para magmukha siyang sosyal sa gabing ito. Yung iba namang politicians’ wives ay nakahanda na raw isuot ang kanilang mga mamahaling jewelry na “karat-karat” talaga.
Yung pinakamalalaking bato siguro ang isuot nila. Pabonggahan tiyak mamayang gabi sa Malakanyang. Ang tanong, ano kaya ang suot na ka-yellow-han na gown ni Kris Aquino?
Natural na hindi patatalbog ang First Sister at tiyak na siya ang pinakapunong-abala mamayang gabi. Eeksena talaga iyan tiyak – with her new hair – baka siya pa mismo ang magsabi kay Pres. Barrack Obama na “I am the Anne Hathaway of the Philippines”.
Ilang dangkal na naman kaya ang make-up niya para magmukhang maganda. Alam niyo naman si Kris – eksenadora iyan. Tiyak na after ng dinner, kulang na lang ay sasabihin niyang may gusto sa kaniya si Pres. Obama. Pustahan tayo, ow!
Natawa kasi ako sa isang sinabi raw ni Kris na gandang-ganda sa kaniya ang mga Japanese. Natawa talaga ako. Halos sumakit ang tiyan ko sa katatawa.
Kasi nga nakita nila si Kris na fully made-up – magpakita nga siya sa mga Hapon na walang make-up – tingnan nga natin kung iyon pa rin ang sasabihin nila. Ito talagang si Kris, hindi lang kayabangan ang dala sa katawan – ilusyunada talaga. Preety-pretty-han yes, pero hindi talaga pretty, ‘no! Many beg to disagree with her.
Kaya nga malaking part ng kinikita niya ay napupunta sa make-up artists kasi nga, alam niyo na! Malalim ang eyebags – manipis ang kilay na ewan. Pag may make-up na, lumalabas na ang magic niya as Kris Aquino. Agree?
Watch out sa mga bagong pasabog ni Kris after ng state dinner na ito. Natural na makakatsika niya talaga ang pangulo ng Amerika dahil kapatid niya si P-Noy. May access naman kasi siya to do so.
Baka sabihin pa nga niya kay Obama na siya ang Best Actress ng Pilipinas – sabihin din kaya niya kay Obama na kasusunog lang ng mga farmers ng Hacienda Luisita ang effigy niya roon?
Sige nga – tutal taklesa naman siya, huwag niyang i-edit ang sasabihin niya kay Obama, ha. Nakakapagod talaga ang Kris issues lately – kahit kaming nasa radyo ay rinding-rindi talaga dahil walang ibang balitang maikuwento sa mga programs namin kungdi puro siya na lang.
Nakakasawa talaga – as in, sobrang nakakauta to the point na parang gusto mo nang mandiri sa industry natin. Kahit anong iwas mong pag-usapan siya, wala kang choice dahil walang ibang balita. Nakakaloka.
Sana maawa naman si Kris – makiusap naman tayo sa kaniya na tigilan na muna ang pagpapasikat sa sarili – magbigay naman siya ng space sa ibang mga artista.
Naninikluhod po kami. Maawa naman siya sa ibang stars – mahiya naman siya. Does she truly enjoy being talked about everyday of her life? That’s not normal, ha. That’s not normal!!!!!!!
Proud na proud ba si Kris na ipamalitang ang anak niyang si Bimby ay naging taklesa ring tulad niya. Sinabi raw kasi ng bata sa bida ng “Spider-Man 2” na tinulugan daw ng mommy niya ang pelikula.
My gosh! Hindi dapat ikinatutuwa ang balitang iyan. Dapat ay tinuturuan ng isang magulang ang kaniyang anak na mag-behave properly – na maging respectful and tactful.
Hindi porke mayaman sila o sikat sila ay okay lang na ang bata ay mag-behave na parang brat na rin. Mali iyon.Hindi dapat ipinagmamalaki iyon. Kris must teach her son to be a good boy.
Yung ibang nakarinig o nakalaam ay tuwang-tuwa pa dahil manang-mana raw si Bimby sa ina niya. Mali iyon. Huwag kayong parang mga ano – dapat ang bata ay tinuturuan ng good manners – hindi ipinagmamalaki ang misbehavior tulad niyan. Kayo talaga, oo. Nagpapaalipin kayong lahat kay Kris kasi.
( Photo credit to krisaquinofanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.