Lalambot ang matigas | Bandera

Lalambot ang matigas

Joseph Greenfield - April 28, 2014 - 03:00 AM

Sulat mula kay Rhanee, ng barangay Bagting,
Dapitan City    
Dear Sir Greenfield,
Tumagal nang mahabang panahon ang aming relasyon ng boyfriend ko, pero biglang-bigla kaming nagkahiwalay.  Sa kanya ko nalasap ang sarap at ligaya sa buhay.  Masarap siyang magmahal.  Biglang-bigla ay nag-away kami sa walang kakwenta-kwentang bagay.  Hindi mahalaga sa buhay namin ang bagay na iyon, pero ito ang pinag-awayan namin.  At masidhi ang pag-aaway namin.  Hindi na kami nagkasundo.  Hindi na siya sumasagot sa tawag ko at text ko.  Ako na nga ang nagsosori sa kanya pero dedma pa rin siya.  May ipinagmamalaki na ba siya?  Payuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin.  Magkakabalikan ba kami? Siya na kasi ang lalaking gusto kong mapangasawa at makasama habambuhay. September 29, 1994 ang birthday ko at May 21, 1991 niya.
Umaasa,
Rhanee, ng barangay Bagting, Dapitan City  
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang naman ang malinaw at magandang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, napakalaki ng tsansa na muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo. Basta ‘wag ka lang manghinawa sa pagte-text at pangungumusta sa kanya, darating din ang araw – magte-text back siya, upang hilingin na kayo ay personal na magkita.
Cartomancy:
King of Hearts, Six of Hearts, at ten of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing mahal ka ng boyfriend mo, at sa taon ding ito, tiyak ang magaganap – muli kayong magkakabalikan.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending