Para sa may kaarawan ngayon: Tandaang kapag buo ang tiwala mo sa iyong sarili, tuloy-tuloy ka ng uunlad hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 13, 19, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Om-Dushta.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Iwasang magalit, upang mas lalong dumami ang oportyunidad ng pagkakakitaan. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahong upang itigil ang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 9, 28, 31, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Maroon at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Negosyong may kaugnayan sa prutas, tubig at likido ang dapat simulan. Sa nasabing kalakal uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang nais piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—‘Wag ng habulin ang napurnadang relasyon. Maging masaya sa kasalukuyang kasuyo. Simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain at may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Bigyang aksyon ang anomang iniisip, sa ganyang paraan hindi ka mapagbibitangang “puro pangarap ka lang!” Laging maging praktikal upang mas mabilis na lumigaya at yumaman. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.
Leo (July 23 – August 22)—Maging maingat sa anomang desisyon. Balikan at muling makipag-ugnayan sa taga-payong Aries at pagkatapos sa mungkahi nya ikaw sumunod – sa ganyang paraan magtatagumpay ka. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Orange at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Tapusin na agad ang mga bagay na sinimulan. Mas mabilisna yayaman kung hindi na ibibinbin ang mga gawain. Sa pag-ibig, tapusin na rin ang pakikipag-relasyon sa isang taong walang kuwenta. Mapalad ang 5, 8, 17, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shanti-Om-Toshasi.” Gray at beige ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa pinansiyal, hindi mo ba nahahalata, sinasamantala nila ang iyong kabaitan. Wag mag tiwala kung kani-kanino. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat manamantala sayo – ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 7, 16, 22, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Manno-Om-Vanaspatir.” Black at green ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat mang-api ng kapwa. Habang nagkakapera, mas lalo kang dapat na magpakabait at magpakumbaba. Sa pag-ibig, alagaan ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yena-Devasya-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Sa bawat pagsubok ng buhay, nagkukubli ang tagumpay. Huwag kang susuko, walang dapat gawin kundi ang magpatuloy ng magpatuloy hanggang sa umunlad at lumigaya. Mapalad ang 1, 4, 13, 28, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aim-Avira-Virma-Om.” Pink at orange ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ituloy mo lang ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka ng umunlad. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Ipakitang iba ka sa lahat! Kakaibang produktong wala pang nakakaisip ang dapat simulan. Sa unique na negosyo ka yayaman. Sa pag-ibig, kakaibang husay sa romansa ang ipalasap sa kasuyo upang wag ka nyang iwanan. Mapalad ang 3, 17, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Magdikit sa dingding nang ganito: “Umuunlad at lalo pa akong yumayaman!” Tatlong beses na basahin, araw-araw ang nasabing kataga at makikita mo paglipas ng 5 taon mayamang-mayaman ka na. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Every day in every way I’m getting richer and richer!” Red at green ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.