Heart bagong 'BABAE' ni Sam | Bandera

Heart bagong ‘BABAE’ ni Sam

- January 02, 2012 - 04:22 PM

TULOY kaya ngayong araw ang first shooting day ng indi film ni Sam Milby mula sa Reality Films na binubuo nina Erik Matti at ididirek naman ni Paul Soriano?

Si Heart Evangelista raw ang leading lady ni Sam at base sa nakuha naming balita, ang kuwento ay tungkol sa magkasintahan na nagkikita lang sila tuwing apat na taon

. Parang hawig ito sa pelikulang “One Day” nina Anne Hathaway at Jim Sturgess na idinirek ni Lone Scherfig.

Sabi naman ng manager ni Sam na si Erickson Raymundo, “Medyo lang kasi bihira magkita, pero malaki ang pagkakaiba,” sagot naman sa amin.

Dagday pa ni Erickson, “Gusttung-gusto ni Sam ‘yung role kaya talagang hindi pinag-usapan ang talent fee, gusto niya na bago siya pumuntang New York by February ay may maiiwan siyang pelikula.”

Walang pinagsamahang project sina Sam at Heart, wala rin kaming ideya kung magkakilala sila at kung type nilang magsama dahil magkaiba sila ng TV network kaya ang balik-tanong namin kay Erickson ay kung may chemistry sila?

“Sa look test bagay sila, maganda ang team-up nila, madali lang naman ‘yung mag-bonding sila, magaling naman makisama si Sam,” pangangatwiran ng manager

Samantala, kung tuloy na ang indi film nina Sam at Heart ay aabutin ito ng 15 days of shooting at lilipad patungong Dubai naman ang aktor sa Jan. 25 para maghanda sa Jan. 27 back-to-back concert nila ni Toni Gonzaga.

Isa rin si Sam sa special guest ng first concert ni Anne Curtis na gaganapin sa Araneta Coliseum sa Pebrero, “Masyadong hectic nga, kasi darating lang si Sam dito sa Pilipinas para sa show ni Anne tapos aalis din siya kaagad.”

Samantala, nu’ng huli naming makatsikahan si Sam ay naka-set na ang utak niya sa pagpunta niya sa New York City at aminado siyang sobrang pinaghahandaan niya ito at nagpapahanap na nga raw siya ng apartment na puwede niyang tirahan sa loob ng apat na buwan niyang pananatili roon.

Diretso naming tinanong si Sam kung may panghihinayang siya sa mga projects na hindi niya magagawa na rito sa Pilipinas tulad ng Alta at pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo na ididirek ni Olive Lamasan.

“Siyempre, magaganda ‘yung mga project, like ‘yung movie with Bea, gustung-gusto kong gawin at makatrabaho si direk Olive, sayang talaga,” naiiling na sabi ng aktor.

“Pero sayang din kung hindi ko itutuloy ‘yung sa Hollywood, hindi lahat nabibigyan ng opportunity, na may agent na tutulong sa akin para makapasok doon, so, it’s my chance na kaya I have to go.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

But of course, may panghihinayang talaga.  And also, Alta, matagal na ‘yang project na ‘yan, maganda rin ang role ko.  It’s not really meant for me,” katwiran pa ni Sam.

Samantala, ang bestfriend na nanggaling pa ng US ang kasama ni Sam nu’ng Pasko at Bagong Taon at inilibot daw niya ito sa ilang lugar dito sa Manila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending