HINDI magkaisa ang linya ng komunikasyon ng pangunahing opisyal ng Golden Boy Promotions kung ang pagtrato sa Top Rank ang pag-uusapan.
Habang nagpahayag na si Oscar De La Hoya ng kanyang kahandaan na buksan ang pintuan para sa pagsasama sa isang boxing event ang Top Rank ni Bob Arum ay hindi naman suportado ito ng CEO ng GBP na si Richard Schaefer.
Ayon kay Schaefer, nananatili siya sa posisyon na hindi kailangan ng GBP ang Top Rank para lumaki sa larangan ng boxing dahil nagawa na nila ito noon pa ng mag-isa.
“I’m running Golden Boy and I think I’m doing a pretty good job, having built it into the leading boxing promotion company in the world. Last year was an all-time record year, and it did not involve Bob Arum or HBO.
I’m proud of what I’m doing and I want to continue doing it,” wika ni Schaefer sa panayam ng LA Times. May mga di magagandang pangyayari na ang naganap sa GBP at Top Rank pero lalo pang nainis si Schaefer nang siraan ni Arum ang napipintong laban nina Floyd Mayweather Jr. at Marcos Maidana sa Mayo 3.
Matatandaan na sinabi ni Arum na hindi dapat suportahan ng mga boxing fans ang nasabing laban kung gusto nilang itulak ang pagkikita nina Mayweather at ang alaga at ngayon ay WBO welterweight champion Manny Pacquiao.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.