Bulls, Nets binigo ang Wizards, Raptors; Rockets pinatumba ang Blazers sa OT | Bandera

Bulls, Nets binigo ang Wizards, Raptors; Rockets pinatumba ang Blazers sa OT

Melvin Sarangay - , April 27, 2014 - 03:00 AM


WASHINGTON — Umiskor si Mike Dunleavy ng 35 puntos habang tumira si Jimmy Butler ng go-ahead 3-pointer may 24 segundo ang nalalabi para tulungan ang Chicago Bulls na itakas ang 100-97 panalo laban sa Washington Wizards at tapyasin ang bentahe nito sa 2-1 sa kanilang NBA Eastern Conference first-round series.

Tumira si Dunleavy ng 12 for 19 mula sa field kabilang ang career-high eight 3-pointers sa 10 attempts para sa Bulls, na tatangkain na maging ikaapat na NBA team na nanalo sa isang seven-game series matapos matalo ng dalawang sundo sa kanilang homecourt.

Ang Game 4 ay gagawin bukas sa Washington. Si Bradley Beal ay kinamada naman ang 13 sa kanyang 25 puntos sa ikaapat na yugto para sa Wizards.

Nets 102, Raptors 98
Sa New York, gumawa si Joe Johnson ng 29 puntos para sa Brooklyn Nets na dianig ang Toronto Raptors para makuha ang 2-1 abante sa kanilang first-round series.

Nagbuslo si Johnson ng game-clinching free throws may 3.1 segundo ang natitira sa laro matapos na halos sayangin ng Nets ang kanilang 15-puntos na kalamangan sa ikaapat na yugto.

Nag-ambag si Deron Williams ng 22 puntos at walong assists para sa sixth-seeded Nets, na iho-host ang Game 4 bukas.
Si Paul Pierce ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Nets.

Si DeMar DeRozan ay umiskor ng 30 puntos para sa Raptors, na natalo ng 13 diretsong road playoff games. Si Patrick Patterson ay nagdagdag ng 17 puntos subalit sumablay siya sa dalawang free throws na nagbigay sana ng pagkakataon na makatabla ang Toronto, na ang huling postseason victory ay noon pang Mayo 6, 2001 sa Game 1 ng Eastern Conference semifinals kontra Philadelphia 76ers.

Rockets 121, Trail Blazers 116 (OT)
Sa Portland, Oregon, tumira si Troy Daniels ng 3-pointer may 11.9 segundo ang natitira sa laro para tulungan ang Houston Rockets na talunin ang Portland Trail Blazers sa overtime at tapyasin ang first-round playoff advantage nito sa 2-1.

Si James Harden ay gumawa ng career playoff-best 37 puntos habang si Dwight Howard ay nag-ambag ng 24 puntos at 14 rebounds para sa Rockets.

Si LaMarcus Aldridge, na umiskor ng mahigit 40 puntos sa mga dalawang panalo ng Portland sa Houston, ay hindi pinaporma ni Omer Asik sa Game 3 at ang All-Star forward ay nakagawa lamang ng 23 puntos.

Ang Blazers ay pinangunahan ni Damian Lillard na gumawa ng 30 puntos. Naghabol ang Portland sa 11 puntos sa huling yugto bago tumira ng tres si Nicolas Batum para itabla ang laro sa 110-all.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending