Kris wala talagang kadala-dala, laging ipinapahamak ng ‘Taklesang Bunganga’ | Bandera

Kris wala talagang kadala-dala, laging ipinapahamak ng ‘Taklesang Bunganga’

Cristy Fermin - April 27, 2014 - 03:00 AM


Sabi na nga ba! Wala na talagang kredibilidad si Kris Aquino kapag ang nakataya sa usapin ay kuwento ng puso at pakikipagrelasyon.

Hindi niya kayang manahimik, para siyang lalagnatin kapag hindi niya naikuwento ang mga nangyayari sa kanyang personal na buhay, madulas talaga ang kanyang dila.

Nag-usap na sila ni Mayor Herbert Bautista na ang gusto nito ay isang tahimik na relasyon. Okey naman ‘yun kay Kris, nangako siya sa aktor-politiko na hindi siya magiging madaldal, hindi niya ititinda sa publiko ang mga ginagawa nila.

Pero du’n mahina si Kris, gutumin mo man siya sa maghapon ay wala tayong maririnig mula sa kanya, pero ang pagdaldal at paglalabas ng mga detalye tungkol sa kanyang personal na buhay ay pangalawa na niyang balat.

Hindi niya kayang maglihim, para bang kaligayahan na para sa kanya ang ipagbanduhan sa buong bayan kung ano ang nagaganap sa kanyang pakikipagrelasyon, kukuda at kukuda siya anuman ang mangyari.

Du’n pa naman sensitibo si Mayor Herbert. Nagtatago ito ng ilang bahagi ng kanyang buhay sa publiko. Magkaibang-magkaiba sila ni Kris, mapagbando ng kanyang buhay ang aktres-TV host, hindi talaga sila magkikita sa gitna.

Komento ng isang nagmamaasim naming kaibigan, “Hindi talaga natuto ng leksiyon si Kris sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon. Alam na nga niyang mali ang pagdadaldal niya, pero ginagawa pa rin niya, nananadya ba ang babaeng ‘yun?

Sa aming opinyon ay hindi na kailangan pang ipagmakaingay ang ating emosyon. Ang taong maligaya ay hindi nangangailangan ng kakuwentuhan, lalong hindi niya kailangan ang publiko para pakinggan ang kanyang mga kuwento, dahil ang kaligayahan ay nagmumula sa puso at hindi sa kung ano ang sasabihin ng ibang tao.

( Photo credit to krisaquinofanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending