Xian nagsuplado na naman, inisnab ang nagtitiliang fans | Bandera

Xian nagsuplado na naman, inisnab ang nagtitiliang fans

Alex Brosas - April 27, 2014 - 03:00 AM


May pagkasuplado pala itong si Xian Lim sa fans. Napatunayan naming ito when we watched the Aliwan Fiesta beauty pageant recently. Isa sa invited guest performers si Xian.

When he performed two songs ay talagang nagtilian ang mga tao. Sikat na sikat pala talaga ang actor-model na ito. Ang dami niyang fans.

Ang daming nakipagkamay sa kanya while he was singing dahil bumaba pa siya sa stage to reach out to some eager fans.
Nang matapos ang dalawa niyang numbers ay kaagad na umalis ng stage si Xian.

Backstage ay merong piling-piling fans na nakapagpa-picture sa kanya. Pumasok pa siya sa loob ng MBC compound para siguro magpaalam sa mga exeucitves doon.

A few minutes later, ipinarada na sa gate ng MBC ang white van niya. Nagkagulo ang fans sa paglabas ni Xian. Marami pa ang gustong magpakuha ng picture na kasama siya, marami pa ang gustong mag-selfie with him.

Kaso, tila nagmamadali itong si Xian at tuloy-tuloy na kaagad siya sa kanyang van. Naloka ang mga fans niya na disappointed dahil ni hindi sila nakapagpa-picture man lang sa binatang favorite leading man ni Kim Chiu.

It would have been a nice thing to see sana kung pinagbigyan man lamang ni Xian ang mga fans niyang naghintay sa kanya sa labas. Ano ba naman ‘yung a little effort na magpakuha ng picture na kasama sila, ‘di ba?

It wouldn’t take much of his time. Pero baka naman meron pang lagari si Xian kaya siya nagmamadali. Baka meron pa siyang ibang show na pupuntahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending